Rafael Rosell lumaki ang ulo?
April 5, 2008
Totoo nga kayang lumaki na ang ulo nitong si Rafael Rosell magmula ng manalo ng Best Supporting Actor award?
Ang mabigyan ng mga ganitong parangal ay talaga namang makahulugan para sa mga aktor dahil katibayan ito na sila ay kinikilala na sa larangan ng pag-arte.
Karaniwang nagtataas ng talent fee ang mga nakatatanggap ng acting awards.
Pero ayon naman kay Ra-fael , na nakuha ng Urian Best Supporting ACtor para sa pelikulang Romeo and Juliet, hindi lang ang pagtaas ng ta-lent fee ang naging resulta ng kanyang pagkapanalo.
Naramdaman din daw niya ang respeto ng kanyang mga kasama sa industriya.
“Naging maganda ang pasok ng 2008 para sa akin,” sabi ni Rafael na kasama sa powerhouse cast ng horror-serye na Maligno, ang kanyang unang serye ngayong taon.
Naramadaman ni Rafael na tumaas ang respeto sa kanya ng mga tao sa industriya nang manalo siya ang award.
Patunay nito ang tiwalang ibinigay sa kanya ng ABS-CBN na gumanap bi-lang isa sa mga pangunahing tauhan sa Maligno, kapareha ang teleserye queen na si Claudine Barretto.
Sa mga TV plugs na lu-malabas, masasabi nating hinog na hinog na nga itong si Rafael at maari na ring ihanay sa mga premiere actors ng Star Magic na sina Piolo Pascual and John Lloyd Cruz.
Ngayong damang-dama na niya ang tagumpay, nana-natili pa rin daw siyang low-profile at sana daw ay patuloy siyang itrato na katulad ng dati.
“Sure, it’s fun, and I super-appreciate it, but my parents always told me, ‘No one is higher than anyone else.’ We’re all the same,” pagtatapos ni Rafael.
Related News
No. of Views: 243 views
Tags: ABS-CBN, Claudine Barretto, John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, SC
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
One Response to “Rafael Rosell lumaki ang ulo?”
Got something to say?















Di ko magets yung connection ng title sa laman ng storya, pakisabihan naman mga writers nyo. Hellooooo?? Ang dating nung title e lumaki yung ulo ni Ra-fael, pagbasa mo naman, obvious na obvious na napaka-humble nya. Anong pinagsasabi ng title na “Rafael Rosell lumaki ang ulo?”
Sorry ha, medyo naguluhan lang ako.