Kim Chui hindi nasulot ni Sam Milby kay Gerald Anderson

April 6, 2008







Now it can be told, never daw na kinonsider si Sam Mil-by sa Tagalog adaptation ng Koreanovela na  My Girl.         Kasi, may nakatakda na raw gawin si Sam na bagong teleserye after  Maging Sino Ka Man.  Ito ‘yung  Diosa  ni Anne Curtis.

Si Gerald Anderson daw talaga ang nasa isip ng production na magiging kapa-reha ni Kim Chui para sa My Girl.

Nagkataon lang na hindi nila kaagad na-announce ‘yun kaya nagkaroon tuloy ng maraming haka-haka  tungkol sa magiging possible na  new partner ni Kim.

Nadawit ang pangalan ni Sam, kasi nabanggit  ni Kim sa isang interbyu na si Sam daw ang gusto niyang maging kapareha kung sakaling bi-bigyan siya ng bagong partner sa  My Girl.  At nagkaroon ng malaking clamor para dito sa internet.

Pero, heto at napagdesis-yunan nga ng ABS-CBN na sina Kim at Gerald na naman ang pagtambalin sa My Girl, kasi malakas naman talaga raw ang team-up nila as pro-ven by their first teleserye na  Sana Maulit Muli na kasalukuyang umiikot ngayon sa ibang bansa ng Asya.

At dahil ipapalabas ito ngayong summer ay mag-ready na raw ang fans nina Kim at Gerald na mapanood ang mga idolo nila na nakasuot ng swimwear sa bagong teleserye.

Kaya ngayon pa lang ay nagwu-workout na si Gerald para gumanda ang katawan niya at para tumanda ang itsura niya kasi he’ll be potra-ying  Julian  who’s  21 years old  sa  original teleplay ng  My Girl.

Sigurado kaming mara-ming baklita ang gustong makita na si Gerald na nakasuot ng bikini trunks.             Dapat din siguro na mag-gain ng weight si Kim dahil patpatin pa siya ngayon.

Mas maganda kasi kung may curves na lalabas kapag nakasuot na siya ng two-piece bikini.

*  *  *

Sa second episode ng I Am KC nnitong Saturday titled  Yes, Sir! ay nakasama  ni KC Concepcion si Albert Martinez na kamuntik na niyang naging ama  sa tunay na buhay kasi nga ito ang naging first ever boyfriend ng kanyang mommy na si Sharon Cuneta bago pa nito nakilala ang da-ddy niya.

Kasama rin sa episode si Luis Manzano na minsan ding nagka-crush kay KC noon bago pa napunta ang atensyon ng binata  kay Angel Locsin.

Birthday ni KC today at siguradong magkikita sina Gabbby Concepcion at Richard Gutierrez.

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Gabo sa latest  na suitor na ito ng kanyang  anak?

Ano kaya ang sasabihin  ni Gabby kay Richard?

At any rate, wish ni KC na makasama niya pareho ang mommy at daddy niya sa isang movie. Pero siyempre depende raw ‘yun sa mommy niya kung papayag ito.

Pero, sa palagay ni KC  ay papayag naman daw ang me-gastar dahil magkasundo na ang dalawa.

Ang tanong na lang ay kung kailan ito dahil sisimulan na muna ni Sharon ang pe-likulang Caregiver  na  kinukunan na ngayon  sa London.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Kristine Jaca
Alicia Mayer
Joyce So Picture Gallery
Alicia Mayer
Sheree
Nancy Castiglione

 


Comments

Got something to say?





Advertiser