Sharon Cuneta, pinatawad na si Gabby Concepcion!
April 6, 2008
Kasalukuyang nasa London si Sharon Cuneta para sa shooting ng Star Cinema movie na Caregiver, pero bago siya umalis ay nakapagbigay naman siya ng panayam hinggil sa dating asawang si Gabby Concepcion, na as we all know, nasa Pilipinas na at nagbabalik-showbiz.
Kahapon sa The Buzz ay inere ang taped interview ni Boy Abunda kay Sharon at isa sa pinaka-importanteng pahayag ng Megastar ay napatawad na raw niya si Gabby noon pa man, bago pa ito humingi ng pagpapatawad.
Matatandaang the moment na lumapag si Gabby sa ’Pinas at sumabak sa unang interview sa The Buzz, on national television, humingi siya ng tawad kay Sharon at sa mga taong aniya ay nasaktan at gawan niya ng pagkakamali o pagkakasala.
Hanggang sa mga sumunod na araw, sa tuwing mai-interview si Gabby ay humihingi pa rin siya ng kapatawaran at marahil ay isang malaking relief ngayon sa aktor na marinig na pinapatawad na siya ng dating asawa.
Pero, ang posibilidad na pagsasama nila ni Gabby sa isang pelikula ay isang bagay na nakabitin pa rin sa ere dahil ayon kay Shawie, baka paglaruan lang daw sila at sa estado raw nila ngayon, dapat naman daw siguro ay may respeto na sa kanila ang mga tao.
Sinagot din ni Sharon ang walang kamatayang intriga up to now na may anak sa ibang babae ang asawang si Senator Francis “Kiko” Pangilinan at minsan pa, ayon kay Shawie ay wala itong katotohanan.
“Alam ko talaga na walang babae ang asawa ko. Kasi, sabay-sabay natin siyang iwanan ’pag may nalaman tayo.
“Hindi, sa totoo lang. Seriously, hindi ko kayang mag-pretend. Bakit ko siya ipagtatanggol kung ako ang sinasaktan niya?”
Kahit sila nga raw ni KC ay napag-uusapan ito at pareho silang naghihintay ng ebidensiya sa kahit anong paraan.
Disin sana raw ay nagkaroon na ng picture sa Internet kung talagang totoo o kaya ay may MMS nang naipasa sa kanila.
Kung kay Gabby ay may pag-aalinlangan si Sharon na gumawa ng pelikula together, of course, a movie with her daughter KC is very much welcome.
Ani Sharon, anytime daw na gusto ni KC, walang problema sa kanya.
Incidentally, ngayong April 7 ang 23rd birthday ni KC.
Gaya ng una na niyang nasabi, sa isang beach resort gaganapin ang kanyang selebrasyon kasama ang ilang mga kaibigan.
Pribado naman ang gagawin nilang pagse-celebrate ng amang si Gabby.
Related News
No. of Views: 400 views
Tags: Boy Abunda, Gabby Concepcion, Pangilinan, Sharon Cuneta
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














