Tanggap na ni Ruffa Gutierrez ’di na sila magkakabalikan ni Yilmaz Bektas.
April 7, 2008
Tinanggap na ni Ruffa Gutierrez ang katotohanang ’di na sila magkakabalikan pa ng dating asawang si Yilmaz Bektas.
Nang umuwi ito last week, ipinaalam na ni Yilmaz sa kanya na magpa-file na ito ng divorce.
Nangangahulugan ba itong pakakasalan na ni Yilmaz ang Miss Universe na nali-link sa kanya?
“He didn’t tell me,” sagot ni Ruffa. “But it really doesn’t matter. Ang importante, he has moved on. And so have I.”
Ganunpaman, ’di raw niya puwedeng hindi isipin ang kanyang mga anak na sina Lorin at Venice. Maaapektuhan daw ang dalawa, lalo’t ’pag nalaman nitong huling dalaw na ’yun ni Yilmaz sa Pilipinas.
“Mahal na mahal nila ang kanilang ama,” sabi pa ni Ruffa. “They were both so happy nang payagan ko silang sumama kay Yilmaz at natulog sa hotel na tinutuluyan nito.
“Nang ibili niya sila ng toys, tuwang-tuwa sila. Akala mo noon lang sila naregaluhan ng toys.”
* * *
Six months na rin pala mula nang huling dumating ng Pilipinas si Yilmaz. Pero hanggang ngayon, Ruffa has remained faithful to him.
Ni hindi siya nakikipag-date, kahit friendly date lang.
“Ayokong may masabi siya (Yilmaz) sa akin,” minsan ay nabanggit ni Ruffa.
Mahal pa ba niya si Yilmaz? we once asked her.
“You have to remember that he is the father of my daughters. Kaya kahit anong mangyari, he will always have a special place in my heart.
“Pero, kung ang gusto n’yong malaman ay kung gugustuhin ko pang makipagbalikan sa kanya, I prefer that we both move on,” ang pahayag ni Ruffa.
Related News
No. of Views: 140 views
Tags: Ruffa Gutierrez
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?













