My Girl nina Kim Chiu, Gerald Anderson nilagyan ng Korean flavor

April 8, 2008







UPDATE sa bagong inaabangang Koreanovela na My Girl!

Talagang isang full house at star-studded cast ang mapapanood sa summer offering ng ABS-CBN ngayong taon, ang My Girl!

Kumpleto na ang bu-ong cast! Ang dalawang young and most coveted celebrities at ang hottest loveteam ng bansa na sina Kim Chiu at Gerald Anderson ay sasamahan ng mga magagaling at pinag-aagawang teen stars sa industriya na sina Enchong Dee, Cathy Gonzaga, Regine Angeles, Nina Jose at ang bagong talent na si David Chua.

Bilang patikim sa excited na viewers, nagkaroon na ng sexy pictorial ang mga bagets para sa exclusive spread nito sa Star Studio magazine.

Dahil isa itong summer offering, mala-beach ang kanilang naging set-up, kumpleto sa sand, beach balls at siyempre, sexy attire.

Kaya naman talagang espesyal ang kanilang mga summer looks dahil nag-import pa sila ng isang genuine Korean stylist!

Si Jackie Hsin ang nag-ayos sa mga young star ng kanilang Korean style fashion para talagang may Korean flavor ang teleserye!

Abangan ang iba pang matitinding updates sa  My Girl, malapit na!

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Assunta de Rossi
Angel Locsin
Bea Alonzo
Aubrey Miles
Joyce Jimenez 766
Amanda Griffin

 


Comments

Got something to say?





Advertiser