Piolo Pascual proud kay Angel Locsin

April 8, 2008







HINDI na ulit mahihirapang maghabol ang production staff ng Lobo sa mga nakabangkong episode nila ng programa dahil bumalik na ng bansa si Piolo Pascual.

Almost two weeks nawala si Piolo sa bansa dahil sa ilang series of shows sa U.S. at Canada kasama ng iba pang ABS-CBN stars. Pero bago umalis ang aktor, nag-advance taping na siya.

Pero dahil sobrang ma-dugo ang taping ng Lobo, kailangan niyang bumalik agad sa set para makunan ang magkahiwalay na eksena nila ni Angel Locsin.

Gustuhin man ni Piolo na  i-extend pa ang stay niya sa U.S. ay hindi na siya pinayagan.

Baka nga naman mag-kaproblema sa Lobo kapag nawala pa siya ng ilang araw.

Anyway, proud na proud si Piolo sa Lobo.  Gandang-ganda rin siya sa pagkakagawa nito.

“Ito kasi ‘yung show na puwede talagang ipagmalaki dahil maganda ang pagkakagawa, ang istorya at magaga-ling ang lahat ng artista,” wika pa niya.

In fairness, Piolo is right!

Meanwhile, very vocal din si Piolo and proud sa performance ng kapareha niyang si Angel sa Lobo.

Wala raw itong angal kahit hirap na hirap na sa taping ng programa.

“Mas lalo siyang gumagaling sa pag-arte. Wala rin siyang reklamo at very professional sa set. It’s really nice working with her,” kuwento pa ng binata.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Marian Rivera Picture Gallery
Diana Zubiri
Kathleen Hermosa
Maureen Larrazabal
Assunta de Rossi
Angelica_Panganiban_688

 


Comments

Got something to say?





Advertiser