Resto ni Judy Ann Santos, sarado na!

April 8, 2008







“Amazing” ang description ni Judy Ann Santos sa Ploning, ang pelikulang ginawa niya sa Panoramanila Pictures C.

Dream  project niya ito at eight years ang kanyang hinintay para magawa ang pelikula.

Ang best friend niyang si Dante Garcia ang director ng pelikulang birthday gift din niya sa actress.

Showing ito sa April 30, 11 days, bago ang 30th birthday ng actress.

Sa Cuyo Island, Palawan, kinunan ang pelikula, kung saan nag-stay si Judy Ann at ibang cast for two and a half weeks.         Kinailangan niyang memoryahin ang Cuyonon language at sa galing ng delivery nito, hindi akalaing nahirapan siya at nagbabakel.

Umabot sa P20 million ang nagasta sa buong pelikula’t live sound ito, shot in 35mm film format, dalawa ang cinematographers: Si Charlie Peralta sa lupa at si Marissa Floirendo sa underwater scenes.

Binanggit din ni Direk Dante na gumamit ng resolve ang Optima Digital na lalong nagpaganda sa pelikula at ang theme song, may kirot sa puso sa sobrang haunting.

Kaya, kahit may makakasabay na two big movies, confident si Judy Ann na lalaban ang Ploning, dahil maganda ang pelikula’t magagaling ang mga artistang kasama niya rito.

“Ang sarap ng feeling na makagawa ng ganitong klase ng pelikula na alam mong pinaghirapan para mapaganda.

“Nakatutuwa ring lahat ng malapit na tao sa buhay ko at lahat ng artistang kasama rito’y may ibig sabihin.

“Lahat sila may connect at naging parte ng buhay ko, gaya ng director namin at si Ryan (Agoncillo, her boyfriend) ay um-effort din.

“Ngayon pa lang, buo na ako, bago pa ako mag-30, buo na ako at kabilang sila sa nagpabuo sa buhay ko,” maramdaming pahayag ni Judy Ann.

May premiere night sa Apr. 26 ang movie bago ang regular showing at may world premiere rin sa New York, London, Dubai at Singapore.         Gusto rin ni Judy Ann na ipalabas ito nang libre sa plaza ng Cuyo Island bilang pasasalamat sa suporta at magandang pagtanggap sa kanila.

* * *

May update kami sa shooting ng I.T.A.L.Y. o I Trust and I Love You  ng GMA Films.

Kahapon, sakay ng cruise ship na Magica Costa ang cast at nasa gitna sila ng dagat ng Savona, Italy, at papunta sila ng Napoli.

Marami sa cast ang na-sea-sick, kabilang sina Dennis Trillo at Eugene Domingo, pero isang inom lang ng gamot at tuloy na naman ang shooting.

Nalaman na rin namin ang name ng Italian actress na love interest ni Dennis sa movie at magiging wife niya.

Andrea de Lugo ang pangalan nito at may matitindi silang kissing scene ng actor.

Nag-search kami sa Internet para mas makilala ang actress, pero ’di kami successful.

Ang sabi sa amin, may hawig ito kay Gretchen Barretto at kung totoo ito, hindi kataka-taka kung mag-enjoy si Dennis sa kanilang kissing scene.

Napaluha naman si Jolina Magdangal sa ganda ng Venice at kinunan ang eksena niyang naka-wedding gown sakay ng gondola.

Dream niyang makarating dito at natupad na.

* * *

Sarado na pala ang Kaffe’ Carabana ni Judy Ann Santos sa may Timog, Quezon City.

Last Saturday ang huling gabing bukas ito.

Six years itong operational, pero kinailangang isara dahil pataas nang pataas ang bilihin.

Hindi rin ito masyadong naaasikaso ng actress sa dami ng ginagawa.

“Someday” ang sagot ni Judy Ann sa tanong kung posible bang ilipat niya ng location ang Kaffe Carabana, lalo’t na-depress ang mommy niya sa pagsasara nito.         Mahusay magluto ang actress at maganda siguro kung restaurant na ang kanyang itatayo.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Mary Jean Maycon
Asia Agcaoili
Mylene Dizon
Maureen Larrazabal
Asia Agcaoili
Joyce So Picture Gallery

 


Comments

Got something to say?





Advertiser