Babaing mamahalin, nakita na ni Piolo Pascual

April 9, 2008







Kahapon ay binisita namin si Piolo Pascual sa taping ng Lobo sa Boys Town, Marikina.  Magkahiwalay sila ng set ni Angel Locsin, na nasa Binondo naman, kaya solo naming nakapanayam ang aktor na kararating lang last week mula sa successful series of shows sa U.S. at Canada.

Pagdating na pagdating nga ni Piolo sa Pilipinas ay diretso na siya agad sa taping ng Lobo, dahil hand-to-mouth sila ngayon, as in, walang bangko.

Okay lang naman daw ito sa kanya dahil na-miss niya talaga mag-taping.

In fact, habang nasa U.S. daw siya ay excited na nga siyang makauwi para makapag-taping.


“This is our life, eh. More than work, we consider this as part of our life. Kasi we get the chance to bond, we do a lot of things (sa taping), nagluluto, nagpapabili ng pagkain, nagpapa-videoke pa si Direk Erick (Salud), so, masaya kami sa taping.”

Sa ngayon daw, patindi na nang patindi ang mga eksena. Nasa stage  sila ngayon na mostly ay action-packed, kaya mas mahirap ang mga eksena.

“It’s mostly habulan, so, mas mahirap ang execution, hindi siya straight out drama, so, minsan madrama, minsan, naghahabulan, minsan nagsusuntukan. It’s mostly difficult kasi ang daming genre, but it’s so nice because I still learn, ang dami ko pa ring natutunan and it’s the first time that actually, I’m doing something different, na hindi all-out drama, kaya I really enjoy my character (as Noah).”

Last Tuesday night, napanood sa TV ang eksenang hinahabol ng itim na lobo si Noah at pagkatapos, dinamba siya nito para kagatin.

Ayon kay Piolo, bagama’t trained naman ang aso, he had the scariest day of his life habang kinukunan iyon dahil hindi pa rin siyempre masasabi kung ano ang puwedeng gawin ni Henry (name ng aso).

“Natakot ako, kasi ang laki ng mouth niya. Naka-protrude na ganu’n. So, hindi ko na lang sinasabi, pero I was really scared, ang lalaki ng ngipin niya. So, ’yung acting ko, hindi na acting ’yun, totoo talaga na natakot ako,” kuwento ni Piolo.

Nakakatawa nga raw, dahil mostly ay aso ang mga katrabaho nila, baligtad daw ang nangyayari.  Sila raw ang nakikibagay sa mood swings ng mga ito at sila ang naghihintay.

Sa nasabing serye, nakita na rin ng lahat ang paghuhubo’t hubad ni Angel.

Kung sakali bang sa kanya hingin ang ganun’g eksena, papayag din ba siya?

“If it’s needed naman, ako, I’m adjustable, eh. Transformation ’yun, eh. So, how far we can go? May censorship naman sa TV. If I had to do it, then I will do it,” say ng aktor.

Maging sina Pilar Pilapil daw na nagpakita ng likod sa transformation, at si Eric Fruoctuso, pumayag sa nude scene, so, probably, kakayanin din niya.

Kahit marami ang umiintriga sa teleserye, patuloy pa rin ang negative publicity sa leading lady niyang si Angel, hindi raw sila naaapektuhan.

“We just let the soap speak for itself. I mean, a lot of people naman have seen how competent she is.

“Kung iisipin mo ’yung mga intriga, these are people na wala lang maisip na maganda o they just don’t wanna look at  the positive things.

“We’ve seen her naman, eh, ’di ba? We’ve seen her grow at nakikita mo talaga na magaling si Angel. And ’yun naman ang hinihingi niya sa ABS-CBN, to give her something different and challenging, and that’s what she got.”

Kahit nali-link si Angel kay Luis Manzano, may mga naghihintay pa ring  magka-develop-an sila ni Piolo.

Pero ayon sa aktor, ang relasyon pa lang nila ng kapareha sa ngayon ay working relationship. So far, aniya, he intends to keep it that way.

“We’re playing lovers in the soap, so when we have to do emotional scenes, mga iyakan, love scenes, we deal with real feelings, eh.

“But off-cam, you have to draw the line. You have to know when does it stop. Kasi mahirap, baka madala mo ’yung character mo sa real life, eh, ma-confuse ka. So, I think I have to respect my craft and learn to draw the line, kung sino si Noah at kung sino si Piolo.”

Aminado siyang nangyari na dati sa kanya ang napagsama niya ang trabaho at pag-ibig.

Huwag na raw mag-mention pa ng pangalan, pero ’yun daw ’yung time na bata pa siya at immature.

“Without knowing it, nagpu-fall na pala ako, tapos ’pag hindi kami magkasama, parang ano ba?

“How will you really define your feelings, hanggang character lang ba ito o totoo? So, along the way, you get hurt, you hurt people and ayoko nang mangyari ’yun.”

Sa ngayon, wala pa rin  siyang girlfriend, pero aminado si Piolo, mukhang nakita na niya ang babaing mamahalin.

“I was in a prayer meeting yesterday, and I saw someone and she’s pretty. So, sabi ko, wow! Nakakatuwa lang because it’s something I was looking forward to. Sana, siya na nga.”

Dalawang beses pa lang daw niyang nakikita ang girl, nu’ng first time ay in-introduce sa kanya at nu’ng second time, nagkasabay sila ng oras ng pagdarasal.

“You know, parang I felt something yesterday. And I’m praying to God. Hanggang sa pag-uwi ko and up to now, iniisip ko siya,” pagtatapat ni Piolo.

Wala pa raw siyang ginagawang step para ligawan ang girl, pero balak daw niya talaga.

In fact, nagpapatulong daw siya sa isang friend  para i-set sila ng dinner.

Piolo could only hope na ito na nga ang babaing para sa kanya dahil napakatagal na raw niyang naghihintay.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Diana Zubiri
Teresa Herrera
Marian Rivera Picture Gallery
Cassandra Ponti
Assunta de Rossi
Jennifer Lee

 


Comments

Got something to say?





Advertiser