Cristine Reyes bawal sa Wowowee
April 9, 2008
NILINAW ni Willie Revillame na kahit released na ng GMA-7 si Cristine Reyes, hindi magiging co-host ng Wowowee ang kalilipat lang sa Dos na aktres.
Totoong puwede itong mag-guest lang, pero sabi ni Willie, may ibang shows na iniu-offer kay Cristine at hindi kabilang ang noontime show ni Papi.
Natawa na rin lang si Willie sa kagatan isyu nila ni Cristine.
Aniya, nagkukulitan lang daw sila ng aktres, wala raw ‘yun.
Ganoon? O siya.
Inabangan din kasi si Cristine ng marami nu’ng nag-launch ng bagong set ang Wowowee last week. Ilang linggo din kasing nag-guest co-host ang aktres kung kaya’t hindi naiwasang isipin ng marami na eventually ay magiging re-gular na rin si Cristine sa nasabing noontime show.
Eh, hindi pala.
Naroon lang ang aktres para manood ng ilang pagbabago sa show kasama ng ilang kaibigan niya.
Samantala, nagbunga rin ang ilang linggo nang pagpupuyat ni Willie at halos sa studio na nga raw ito natutulog, huh?
Ang TV host daw kasi mismo ang nag-supervise ng pagpapagawa ng studio ng kanyang noontime show. Siyempre iba pa rin ‘pag hands-on, di ba?
Maganda ang kabuuhan ng set design ngayon ng Wowowee at mas kumportable ang mga manono-od.
Mas malawak na nga-yon ang set nito to be able to accommodate more audience.
Tiniyak naman ni Willie na simula pa lang ito ng ilan sa pagbabagong gusto nilang mangyari sa Wowowee.
Mayroon ding bagong games at mga paku-lo, bukod sa minahal na nating Willie of Fortune. Nari-yan ang Ms. Fit-rum at ang bagong aabangan na HepHep Hurray.
Mas pinalaki rin ang pa-premyo sa Bigtime Pera o Bayong.
Mabuti nga at magaling na ang lalamunan ni Willie. Kulang din sa pahinga ang TV host kung kaya’t nasagad ang boses nito.
May nag-aalaga kaya kay Papi?
* * *
SA totoo lang, nagulat kami sa mga nakita naming topless photos ni Matt Evans, huh?
Kaya kaagad naming itinanong na aming kaibigang si Rommel Placente kung bakit may ganoong chorva itong si Matt?
Ang sagot naman ng porky naming friend na si Rommel ay para raw ‘yun sa isang karakter na gagampanan ng binata sa Your Song.
Ahh, ganoon pala.
Anyway, komento ng ilan, cutie si Matt at fresh ang dating, pero kulang pa ang built nito sa katawan.
In short, kailangan pa na mag-gym ng bagets bago ilan-tad ang katawan nito sa madla.
Suggestion lang po ito, ha? Baka mag-react na naman ang ibang fans diyan?
Dahil nagbagong-bihis si Matt, siguradong mas ma-raming titili sa kanyang girls at mga baklush.
Eh, ‘di ba nga mayroon nang Melissa Ricks ang binata?
May Olyn Membian pa siya na akala namin ay wala na sila, pero mag-on pa rin pala.
* * *
NU’NG isang araw, ay buong maghapon naming napanood at napakinggan sa telebisyon ang pahayag ni Alma Moreno tungkol sa pagganap umano ni Cristine Reyes bilang Eva Fonda 16.
Piniling kunin ang panig ni Ness dahil siyempre, siya ang original na Eva Fonda na ipinalabas pala noong 1976 pa. At may karapatan si Alma to give her opinion kung sinong sexy star ang sa tingin niya ang mas babagay sa karakter na una niyang ginampanan at minahal naman noon ng publiko, lalung-lalo na ng kalalakihan.
Una ay sinabi ng aktres/pulitiko na kung meron mang gaganap bilang Eva Fonda 16, dapat ay inosen-te ang dating at maganda ang katawan nito.
In fairness, seksing-seksi naman si Cristine kaya nga siya ang isa sa mga ki-nu-consider ng management ng ABS-CBN para gawin ang proyekto, di ba?
Nilinaw din ni Alma na hanggang sa pagbibigay lang siya ng opinyon sa kung sino ang babagay na Eva Fonda. Ayaw na umano niyang panghimasukan kung sino ang gusto ng Dos na gumanap sa karakter na ito.
So far, wala pang komento si Cristine sa mga si-nabing ito ni Alma.
‘Yun na!
Related News
No. of Views: 233 views
Tags: ABS-CBN, Bayo, GMA, Revilla, Willie Revillame
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














