Ruffa pabor na pabor sa KC Concepcion - Richard Gutierrez teamup
April 10, 2008
TINANONG namin si Ruffa Gutierrez kung kaninong pangalan ang mauuna sa billing ng My Monster Mom sa kanila ng inang si Annabelle Rama?
“Dapat ako, bigyan na lang natin siya (Annabelle) ng “and.” She’s good, natural ang acting at kung kailan siya nag-50 years old, saka siya sumikat. Marami pa siyang offers at may commercial pa kaming dalawa.
I’m very happy for her, masipag siyang nanay at ’di lang nakaupo sa bahay at naghihintay bigyan ng pera ng mga anak. She’s hardworking, talent manager pa at ang daming kinu-close na deal,” pagmamalaki ni Ruffa sa ina.
Exclusive talent ng ABS-CBN si Ruffa at co-producer ng Regal ang GMA Films sa MMM. Hindi ba siya magkakaproblema sa promotion nito sa Channel 7?
“Hindi pa napag-uusapan. Kaya nga, sana matuloy ang project nina KC Concepcion at Richard Gutierrez at baka mawala na ang network war, magkakabati na ang two networks. We’re pushing na matuloy. ’Pag nangyari ’yun, puwede na akong mag-promote.”
Related News
No. of Views: 315 views
Tags: ABS-CBN, Annabelle Rama, GMA, KC Concepcion, Richard Gutierrez, Ruffa Gutierrez
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?













