Anne Curtis hindi naniniwala sa love at first sight
April 11, 2008
AMINADO si Anne Curtis na isang dream come true para sa kanya na maging leading man, finally,si Aga Muhlach. Magkasama ang dalawa sa When Love Begins (ipapalabas sa April 30) ng Star Cinema, at sa presscon nito ay sinabi mismo ni Anne na twelve years old pa lang siya ay pinangarap na niyang ma-katrabaho si Aga.
Sa parte naman ni Aga, sinabi nito na bilib siya sa ka-baitan ni Anne.
Napakabait daw ni Anne at professional ito pagdating sa trabaho. Considering na si-ya ang pinakabata sa lahat ng naging leading ladies ni Aga. Kaya nga natutuwa raw talaga ang aktor sa ipinapa-kitang dedication ni Anne sa trabaho. Hindi raw ito maarte sa set. Basta, super-nice daw ang tisay na aktres.
Anyway, most of the scenes were shot sa famous na Boracay at talaga namang na-paka-romantic ng trailer nito. Ang seksi pa ni Anne.
Tinanong din ang aktres: Since karamihan ng kanyang scenes ay naka-two-piece swimsuit lang siya, naging kumportable ba siya on cam?
Siyempre, iba ‘yung may kaeksena kang aktor at iba rin ‘yung kaswalan lang with friends, ‘di ba?
Sabi ni Anne, hindi raw ito naging problema sa kanya. Kumportable ang aktres wearing those two-piece swim suits at nasa beach nga naman ‘yun.
Very love story ang da-ting ng pelikula at feel good ang effect nito na may touch of light drama. Obvious ba? Kasama rin po rito si Christopher de Leon, no less.
Maraming makaka-relate sa te-ma ng pelikula in the sense na love at first sight ang hatid na mensahe nito at ‘yung ‘wag ma-daliin ang mga ba-gay-ba-gay.
Ayon kay Anne, hindi si-ya nani-niwala na puwedeng ma-in love agad sa unang ki-ta pa lang sa tao.
Aniya, puwedeng ma-attract ka lang, pero imposible raw para sa kanya ang ma-in love kaagad.
Oo nga naman. It takes time to love a person, to in-vest emotions sa pagiging friends at eventually puwede rin palang maging kayo.
Related News
No. of Views: 170 views
Tags: Anne Curtis, SC
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














