Anne Curtis shows more skin in her lastest movie with Aga Muhlach.

April 11, 2008









Si Gary Valenciano uli ang kumanta ng theme song ng When Love Begins nina Aga Muhlach at Anne Curtis.

Fan talaga ang actor ni Gary, dahil habang kumakanta, nakatitig at talagang nakinig siya at napasigaw pa sa tuwa.

Pang-apat na beses nang si Gary ang kumanta ng theme song ng movie ni Aga at nang tanungin kung bakit, heto ang kanyang sagot: “Naniniwala ako sa kanya, nakaka-uplift siyang kumanta at feel na feel ang kanta ’pag siya ang kumakanta, mas nagkakaroon ng impact ’pag siya ang kumanta at sa kanta pa lang, makikita mo na ang story ng movie at idagdag pang magaling siyang singer.”

Samantala, pinansin ng press ang puwet ni Anne Curtis du’n sa eksenang naka-two-piece siya at niyayang mag-swimming si Aga.

Kahit female reporters, humanga sa ganda ng puwet ng actress at sa sinabi nitong marami siyang ginamit na two-piece sa movie, ibig sabihin, maraming eksenang ganu’n ang suot niya.

Nabuking pala si Anne na matagal na siyang may pagnanasa kay Aga sa inaming 12 years old pa lang siya at sa presscon pa lang ng Magic Kingdom (her first movie), sinabi nang gusto niyang makapareha ang actor.

“Kaya, dream come true ang movie na ito. When I was told na finally, makaka-partner ko siya, I was excited and I can’t wait to read the script,” sabi ni Anne.

Sa Cinema 9 and 10 ng SM Megamall ang premiere night nito sa April 29, at Apr. 30 naman ang showing. May international screening pa ang pelikula.

Related News









Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Sunshine Cruz
Jaymee Joaquin 662
Aubrey Miles
Patricia Javier
Cindy Kurleto
Sheree

 


Comments

Got something to say?





Advertiser