Kris Aquino, co-host ng U.S. ‘Deal or No Deal’ special episode

April 11, 2008







Sikat na talaga ang mga Pinoy sapagkat malapit nang mapanood ng mga taga-Amerika kung paano nilalaro ang game show na Deal or No Deal sa Pilipinas kasama si Kris Aquino bilang co-host ni Howie Mandel ng U.S. sa isang special episode na gagawin dito.

Ibinalita ni Alou Almaden, business unit head ng ABS-CBN, na pupunta sa Pilipinas ang staff at crew ng Deal or No Deal ng Amerika ngayong Abril 22-25 para mag-taping ng isa sa kanilang world tour episodes.

Ani Alou, ang mga maglalaro sa naturang episode ay American contestants, pero susundin nila ang mga patakaran o mechanics ng Kapamilya, Deal or No Deal.

Aniya, makakasama ang 26K girls at si Banker sa taping, kung saan hawak nila ang magiging kapalaran ng American contestants.

“Natutuwa kami na napili ang Pilipinas bilang bahagi ng Deal or No Deal world tour. Ito ay isang pagkakataon para maipakita ang ating galing sa paghawak ng game shows. Kasabay nito, maipakikita natin ang magagandang lugar sa ating bansa,” dagdag pa ni Alou.

Higit sa 50 bansa napapanood ang Deal or No Deal mula noong ilunsad ito noong 2001. Sa Amerika, kailangang mamili ang contestant sa 26 briefcases na naglalaman ng iba’t ibang halaga mula 1 cent hanggang $1 million.

Dito sa Pilipinas, naging hit ng ABS-CBN ang Kapamilya, Deal or No Deal mula 2006. Gaya sa Amerika, mamimili rin ang contestant sa 26 briefcases na naglalaman ng premyong P1 hanggang P3 million.

Bukod sa Pilipinas, dadalo rin ang U.S. version ng DoND sa Estonia at South Africa. Ipalalabas sa Amerika ang mga World Tour episodes, kaya puspusan na ang paghahandang ginagawa ng KDOND staff.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Teresa Herrera
Joyce So Picture Gallery
Bianca Araneta
Asia Agcaoili
KC Concepcion
Aliya Parcs

 


Comments

Got something to say?





Advertiser