Fans bitin pa sa sexy billboard ni Dingdong Dantes
April 14, 2008
We believe na kung pa-nahon mo ngayon, kahit na ano pang negative issues ang pilit na ibinabato sa ‘yo, eh, walang effect ‘yun.
Gaya nga ng nangyayari ngayon sa malalaking billboards ng Bench with sexy pictorials ni Dingdong Dantes na nagkalat ngayon sa Metro Manila. Kahit na marami ang nagri-react sa kanyang mga provocative pictorials, lalo na ‘yung nasa Balintawak, eh, wala pa rin silang magawa dahil marami pa ring gays and girls ang nagsa-salivate sa pictorial na ‘yun.
‘Yung iba nga, gusto pang makakita ng mas maraming sexy billboards ni Dong.
Eh, dedma lang naman ang aktor, kasi sinu-nod lang naman niya ‘yung ipinagawa sa kanya ng photographer.
Wala rin siyang inhibitions dahil alam niyang it will be done in good taste at underwear naman daw ang kanyang ipinu-promote kaya ganu’n ang kanyang poses.
Kung puwede siyang mag-topless at magkaroon ng mga daring roles sa movies after that?
“Ah, ‘yan ang pag-iisipan kong mabuti kapag nagkataon kasi, panibagong chapter na naman ‘yan sa career ko,” sabi pa niya.
Oo nga naman.
Related News
No. of Views: 187 views
Tags: Bench, Dingdong Dantes
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














