Angel Locsin sa Payatas magbi-birthday
April 15, 2008
Sikat na sikat na talaga ang mga Pinoy sapagkat mala-pit nang mapanood ng mga taga-Amerika kung papaano nilalaro ang kanilang paboritong game show na Deal or No Deal sa Pilipinas.
Kasama si Kris Aquino bilang co-host ni Howie Mandel ng U.S.A. sa isang special episode na gagawin dito.
Ibinalita ni Alou Alma-den, business unit head ng ABS-CBN, na pupunta sa Pi-lipinas ang staff at crew ng Deal or No Deal ng Amerika ngayong Abril 22-25 para mag-taping ng isa sa kani-lang world tour special episodes.
Sinabi ni Alou na ang mga maglalaro ay mga Ame-rican contestants, pero su-sundin nila ang mga pata-karan o mechanics ng Kapa-milya, Deal or No Deal.
Kasama rin ang sarili na-ting 26K girls at Banker sa taping, kung saan hawak nila ang magiging kapalaran ng American contestants.
“Natutuwa kami na napi-li ang Pilipinas bilang baha-gi ng Deal or No Deal world tour.
“Ito ay isang pagkaka-taon upang maipakita ang ating galing sa paghawak ng game shows at kasabay nito, maipapakita natin ang magagandang lugar sa ating bansa sa espesyal na pagtatanghal nito,” dagdag pa ni Alou.
Higit sa 50 bansa napapanood ang Deal or No Deal mula nang inilunsad ito no-ong 2001.
Sa Amerika, kinakaila-ngang mamili ang contestant sa 26 briefcases na naglalaman ng iba’t ibang halaga mula one cent hanggang US$ 1 million.
Dito naman sa Pilipinas, naging malaking hit at consistent na top-rating program ng ABS-CBN ang Kapamil-ya, Deal or No Deal mula 2006.
Gaya sa Amerika, ma-mimili rin ang contestant sa 26 briefcases na naglalaman ng premyong P1-M hanggang P3 million.
* * *
BIRTHDAY ni Angel Locsin sa April 23, pero on Ap-ril 20, magkakaroon ng gift- giving ang Lobo star sa ma-hihirap na bata ng Payatas sa Quezon City.
Nag-survey pa si Angel sa lugar na naka-disguise pa-ra personal na makita ang ka-lagayan ng mga bata.
Mas gusto raw niyang i-share ang kanyang blessings sa mga bata kesa magkaroon ng bonggang birthday party.
Sa Good Shepherd Parish (Regalado St.) gaganapin ang gift-giving na suportado ng halos lahat ng ini-endorse na produkto ni Angel Locsin.
Samahan kaya ni Piolo Pascual ang leading lady niya sa Lobo sa pagbibigay niya ng regalo sa mga bata ng Payatas?
Naku, tiyak na mas matutuwa ang mga bata kung mag-kasama ang dala-wang bida ng Lobo sa special day na ‘yon.
Magkakaroon din ng thanksgiving sa press si Angel soon.
Related News
No. of Views: 123 views
Tags: ABS-CBN, Angel Locsin, Kris Aquino, Piolo Pascual, SC
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?













