Relasyong Sam Milby - Anne Curtis at Zanjoe Marudo - Mariel Rodriguez binuking ni Kris

April 15, 2008







Nagkaaminan na, nagkabukingan na! We are referring to Sam Milby and Zanjoe Marudo nu’ng mag- guest sila sa Wheel of Fortune ni Kris Aquino nu’ng  Lunes ng gabi.

Bago kasi mag-spin ng wheel, tinatanong muna ni Kris ang player. Nang tanungin nito si Sam kung sino ang kasama niya, si Anne Curtis ang itinuro nito sa may audience gallery.

“Ano mo siya, kapamilya, kaibigan, iniibig?” tanong uli ni Kris kay Sam.

“All of the above,” ang nakangiting sey naman ng aktor.

Siyempre, hindi lang si Kris ang kinilig, kundi si Anne rin.

Si Mariel Rodriguez naman ang itinuro ni Zanjoe na kasama niya. Inulit ni Kris ang tanong… “Ano mo siya, kapamilya, kaibigan, iniibig?”

Ang sagot ni Zanjoe na walang ka-buckle-buckle: “Iniirog!”

Sa facial reaction ni Mariel, hindi na itech makapagdedenay.

O, ayan Mariel, ha, natupad na ang payo sa iyo ng manager mong si Boy Abunda na dapat ang lalaki ang unang umamin sa kung anumang relasyon meron kayo at hindi dapat sa babae unang manggaling ’yon, tsuk!

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Renee Summer
Maureen Larrazabal
Diana Zubiri
Sheree
Nancy Castiglione
Angela Velez

 


Comments

Got something to say?





Advertiser