Gerald Anderson sa My Girl
April 17, 2008
Excited si Gerald Anderson sa bagong proyekto nila ni Kim Chiu, ang My Girl. Masuwerte si Gerald at sa dami ng bagets ng ABS-CBN ay siya ang napiling kapareha ni Kim para sa pinakabago nilang serye na mula pa sa Korea.
May potensyal si Gerald at may face value pa kasi kung kaya’t malakas ang hatak nito sa fans. Isa rin si Gerald sa iilan lang na marunong ng tamang PR among the young stars of today.
Muli ay pinabulaanan ni Gerald na walang katotohanan ang mga negative issues about him and Kim. Aniya, paninira lang daw ang lahat ng ito.
Walang problema sa kanila ni Kim, ito ang pinatotohanan ni Gerald. At talagang sinabi ng aktor na si Kim ang kanyang inspirasyon.
Maging si Kim ay aminadong espesyal sa kanya ang turingan nila ng binata.
Ang cute nga niya nu’ng inamin niyang minsan narin siyang nagselos sa isang girl. Malamang, nagpapa-cute kay Gerald ‘yung girl?!
Pero isa lang ang masa-sabi ni Gerald, kahit ano ang mangyari, walang magbabago sa pagtingin niya kay Kim.
Related News
No. of Views: 127 views
Tags: ABS-CBN, Gerald Anderson
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














