Isyu sa sexy billboards ni Dingdong Dantes, sinagot ng Bench owner
April 17, 2008
SUCCESSFUL ang ginawang paglulunsad kay Sarah Geronimo bilang bagong HerBench celebrity endorser sa SM Mall of Asia nu’ng Martes ng gabi.
Punumpuno ang venue ng fans ni Sarah, na binubuo ng matatanda at bata. Sobrang haba ng pila ng mga nagpapirma sa Pop Princess, kaya natagalan ang pagbisita nito sa HerBench outlet, na dinumog pa rin ng followers ng dalaga.
Dahil sa sobrang pagka-busy ng singer-actress, ang Bench owner na si Ben Chan tuloy ang nahagip ng writers para interbyuhin.
Actually, hot item din ang tinatawag na “ninong” ng kaibigang Allan Diones, dahil sa isyu ng biglaang pagkawala ng sexy billboards ng Bench Body model na si Dingdong Dantes sa ilang parte ng Metro Manila, gaya ng Cubao at Quirino.
Pero, nilinaw ni Ben na walang kinalaman ang diumano’y pagrereklamo ng ilang moralist groups sa pag-aalis ng ilang sexy billboards ni Dingdong.
Ayon sa kanya, deliberate ang ginawang pagpapalit sa mga ito. “’Di ba, madalas kaming nagpapalit? Like ngayon, turn naman ni Sarah. So, ’yung iba niyan, pinalitan na ni Sarah. After a while, school opening naman ang aming campaign. So, ibang campaign na naman.
“’Yung sa Quirino, tinanggal ’yun kasi pinalitan namin ng iba. Katulad ni Sarah, ni-launch namin siya, kung saan-saan available ang billboards niya. Some will stay for a month, some will stay for two weeks. Depende, kasi we need it already,” paliwanag pa niya.
Nilinaw din ni Ben na lahat ng inilalabas nilang lay-out ads at billboards ay dumaan at pumasa sa panlasa ng tinatawag na AdBoard.
Iba-iba rin ang approach na ginagawa ng Bench sa paglu-launch ng mga modelo o endorsers kaya walang rason para ma-insecure sa isa’t isa ang kanilang image models.
Samantala, nang tanungin naman si Ben kung bakit si Sarah ang napili nilang karagdagang mukha ng HerBench, ang balik-tanong nito’y: “Bakit hindi?”
Bilib daw siya sa lakas ng appeal nito sa publiko at sa pagiging magaling at natural na singer, actress at TV host.
Flattered naman ang Pop Princess sa pagkakapili sa kanya ng Bench. Malaking karangalan daw na mapabilang siya sa listahan ng mga gaya nina Lucy Torres-Gomez, Rica Peralejo, Iya Villania, Alessandra de Rossi, Francine Prieto, atbp., dahil matagal na raw niyang pangarap na maging parte ng prestihiyosong Bench family.
Incidentally, ang mga pangalang nabanggit, kasama ang iba pang naglalakihang artista, ay nakatakdang magsama-sama’t rumampa sa magarbong annual Bench fashion show sa Araneta Coliseum sa Hulyo.
Sinisiguro ni Ben na gaya ng mga nakaraang Bench shows, malalaking sorpresa ang ihahandog ng mga artistang modelo sa mga manonood. Kaya, abangan.
Related News
No. of Views: 194 views
Tags: Bench, Dingdong Dantes, Francine Prieto, Sarah Geronimo
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?













