Jon Avila, crush si Maja Salvador

April 17, 2008







Naka-costume si Jon Avila bilang Kapitan Boom sa presscon kahapon ng Mars Ravelo’s Komiks Presents Kapitan Boom, kaya kanya-kanyang urirat ang press sa kanyang kasuotan bilang pinakabagong superhero.

Sa unang tingin, parang ordinaryong superhero costume lang ang suot ni Jon, pero kapag hinawakan, you’ll realize kung gaano ito kabigat at kakapal.

Ayon kay Jon, almost five lbs. daw siguro ang weight ng  costume, kaya mabigat talaga. Rubberized ito, kaya mahirap ding isuot at tanggalin.

Mga 15 to 20 minutes daw inaabot ang pagsusuot ng costume at tatlong tao ang nagtutulung-tulong dito.

Hindi raw niya ito masuot ng mahigit isang oras dahil sa sobrang init, pawis na pawis ang kanyang katawan. Kaya once na naka-costume siya, kailangang sunud-sunod ang kuha ng mga eksena.

Bilang pinakabagong superhero, ayon kay Jon, hindi siya agad naniwala nang sabihin ni Johnny Manahan ng Star Magic na gaganap siya sa gayung papel.

“Ang sabi niya kasi sa akin, Superman daw. So, I was thinking, hindi naman puwedeng gumawa ng Superman dito.So, I just didn’t think much about it. Tapos, biglang may ano, may Kapitan Boom na sinabi, so, I was so excited talaga.”

Sa bagong weekly comedy-adventure series na mapapanood tuwing Sabado starting April 26, dalawa ang leading ladies ni Jon, sina Maja Salvador at Marianna del Rio.

Between the two actresses, mas vibes daw sila ni Maja dahil makulit ito samantalang si Marianna, tahimik at medyo mahiyain.

Who’s prettier?

“I find Maja prettier,” prangka niyang sagot. “Yeah, seriously. I don’t know why. Maybe it’s her eyes.”

Crush niya si Maja?

“Yeah, I guess. She’s pretty.”

Kinumusta namin sa kanya si Mariel Rodriguez na dating na-link sa kanya at aniya’y magkaibigan pa rin sila.

Aware naman daw siya about the rumor na boyfriend na nito si Zanjoe Marudo at ayon kay Jon, happy siya para sa dalawa.

Very honest niyang sinabi na nakaramdam siya ng relief nang malaman ang tungkol kina Mariel at Zanjoe.

“Because, it was finished na. Intead of trying to hang on, carry on, I was relieved kasi she made her choice na. So, there was an emotional relief.”

Hindi siya na-hurt?

“Well, I was just disappointed,” he said.

Kung si Mariel ay may Zanjoe na, siya naman ay walang time na humanap ng iba dahil naka-focus sa Kapitan Boom.

Nang makausap nga namin siya, wala pa raw siyang tulog.

“So, I guess wala akong time for a relationship right now because of my work,” say pa ng bagong superhero.

Anyway, bukod kay Jon, bida rin sa Kapitan Boom si JayR Siaboc, na human persona ni Jon.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Sheree
Anna Leah Javier
Maja Salvador
Cassandra Ponti
Vina Morales
Marian Rivera Picture Gallery

 


Comments

Got something to say?





Advertiser