Love scene ni Anne Curtis kay Aga hindi pinagselosan ni Sam Milby

April 17, 2008







Si Anne Curtis ang pansamantalang pumalit sa puwesto ni Tita Cristy Fermin sa The Buzz habang nasa bakasyon ito.

“Kinakaban nga po ako, eh” nakangiting sabi pa nito.

Tinanong namin si Anne kung  balak ba ni-yang magkaroon ng sari-ling talk show tutal ay kaya naman niya at ngayon pa lang ay nahahasa na siya?

Hindi pa raw niya ito naisip pero type rin daw niya, if ever. In  the future, huh?

Isang talk show ba ang type ni Anne? Okay lang daw pero ang gusto raw talaga niya ay ‘yung the likes of Oprah show.

Hmmn, mukhang gusto yatang  sumunod ni Anne  sa  yapak ni Kris Aquino, huh?

Why not, kayang-kaya ni Anne, huh? May class at  tama lang ang  kadaldalan ng aktres? Ang cute niya on screen.

Agad naming kinumusta ang love scenes ni Anne sa  When Love Begins with Aga Muhlach.  O, di ba,  bongga ang segue?

This week pa lang pala kukunan ang love scene nila ni Aga. Hindi naman daw naiilang ang batang aktres dahil pinaparamdam naman ni Aga na maging kumportable ito sa kanya.

Hindi rin pala isyu kay Sam Milby ang pagpapa-sexy ni Anne o maging ang love scene niya with Aga.         Sabi pa ni Anne, napanood daw ni Sam ang trailer ng pelikula nila ni Aga at nagustuhan daw ito ni Papa Sam.

‘Yun na!

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Vina Morales
Rhian Ramos
Maja Salvador
Valerie Concepcion
Aubrey Miles
Sheree

 


Comments

Got something to say?





Advertiser