Zanjoe Marudo umamin sa totoong relasyon nila ni Mariel Rodriguez
April 18, 2008
FIRST there were the Hunks (Piolo Pascual, Diether Ocampo, Jericho Rosales, Carlo Agassi and Bernard Palanca) followed by the Hearttrobs (Piolo and Sam Milby). Now here comes the Cover Boys (Piolo, Sam, John Lloyd Cruz, Zanjoe Marudo and Rafael Rosell originally). At habang tumatagal nadagdag na sina Jake Cuenca, Victor Basa, Jon Avila, Will Devaughn at ang mga Be Bench runners-up na sina Ron Morales at John James Uy plus Marvin Raymundo from Star Magic Batch 15.
The Cover Boys (Zanjoe, Jake, Ra-fael, Victor, Jon, Will, Ron, John James and Mar-vin) will have their very first concert at the Music Museum on May 9 & 10. Expect a very sizzling night with hot production numbers and plenty of bare bodies.
Ipapalabas din dito for the first time ang napaka-seksing video na ginawa nila as a backdrop sa ka-nilang show. Naku, wala tala-gang sinabi ang Viva Hot Men at ang Men of Provoq.
A reliable source told us na ang may pinakamataas na talent fee among the 9 Cover Boys na kasama sa show ay si Zanjoe Marudo na sinundan ni Jake Cuenca. Hindi naman nakapagtataka dahil sina Zanjoe at Jake ang pinaka-crowd drawer sa grupo.
The tickets are super expensive at P3,500 sa middle orchestra, P2,500 sa left and right orchestra at P1,500 sa balcony. Kaya susulutin naman daw ng Cover Boys ang ibabayad ng manonood ng kanilang show! Dapat lang, no
* * *
SPEAKING of Zanjoe, hindi talaga siya tinigilan ng press hangga’t hindi siya umamin sa tunay na relasyon nila ni Mariel Rodriguez.
Ang katuwiran niya kasi, hindi na niya kailangan pang magbigay ng direct statement dahil obvious naman daw sila ni Mariel. Wala raw kasi sa character niya ang ipagsabi pa sa harapan ng kamera ang tungkol sa lovelife niya.
Hindi naman sa ikinahihiya niya ang relasyon nila ni Mariel. Ayaw lang daw niya ng intriga. At ang totoo, wala daw nangyaring pormal na li-gawan. Basta one day raw ay they found out na lang that they are inseparable and involved in an exclusive relationship.
Inamin niya na nagselos siya kay Jon nang nanligaw ito kay Mariel at umabot pa sa point na nagkailangan na sila nito.
Pero, nagkaroon naman sila ng pagkakataon na pag-usapan ang tungkol dito at nagkaayos naman silang dalawa.
‘Yun na nga nag-backout na lang si Jon at nagparaya.
Naniniwala si Zanjoe na perfect wife material si Mariel. Pero, wala pa raw sa isip niya ang pag-aasawa. Balak niyang lumagay sa tahimik ‘pag nasa 30s na siya.
Sa ngayon, 25 years old palang daw siya at mag-iipon muna ng pambili ng bahay sa Ayala, Alabang.
Related News
No. of Views: 281 views
Tags: Bench, Diether Ocampo, Jake Cuenca, Jericho Rosales, John Lloyd Cruz, Mariel Rodriguez, Piolo Pascual, Sam Milby
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?













