Kim Chiu, starstruck kay Claudine Barretto
April 20, 2008
Sabi ni Kim Chiu, idolo niya si Claudine Barretto. Kaya naman sa pagsasama nila sa Maligno, hindi raw siya makaarte ’pag kaeksena na niya ang actress.
“Nahihiya po kasi akong sigawan siya. ’Di ba, idol mo, tapos sisigawan mo? Duduruin mo pa at sasaktan? Kahit na eksena lang po ’yun, talagang nahihiya ako sa kanya,” say ni Kim.
Pinayuhan naman daw siya ni Claudine na huwag mailang at relaks lang.
Pero sadyang hindi siya makaarte at nakakalimutan pa ang mga linya.
“Sinabi ko kay Ate Claudine na nahihiya ako sa kanya, kaya ’di ko magawang magalit. Sabi naman niya, huwag kong isipin na siya si Claudine Barretto. Isipin ko na lang daw na siya ang pumatay sa nanay ko,” kuwento pa ni Kim.
Natuloy ding kunan ang eksena, although na-take-five siya bago na-perfect.
Naniniwala ba naman si Kim sa “maligno”?
“Opo,”mabilis niyang tugon. “Natatakot nga po ako kapag ako lang mag-isa. Kasi baka may biglang tumabi po sa akin na something,”
Malapit na ang kaarawan ni Kim at ngayon pa lang, excited na ang young star.
* * *
Sabi ni Susan Roces, bago niya ipinagkatiwala sa ABS-CBN ang lahat ng pelikula niya para i-remake, ang ibinigay niyang kondisyon ay wala silang babaguhin.
Pero nang mapanood ni Susan ang remake ng Maligno, na idinirek ni Celso Ad Castillo 30 years ago, moderno na ang pagkakagawa nito. Hindi nga lang tumutol si Susan, bagkus ay pinuri pa ang lahat ng involved sa production, lalo na ang cast, sa pangunguna nina Claudine Barretto, Diether Ocampo, Rafael Rosell, atbp.
“Sa totoo lang, higit na maganda at nakakatakot ang Maligno ngayon. Moderno ang approach. Hindi ito puwedeng itulad sa original. Kasi nga, ginawa itong moderno at exciting. Talagang ibinagay ito ni Direk Wenn Deramas sa makabagong henerasyon,” say ni Susan.
“I’m very proud of this movie dahil ito ang nagbigay sa akin ng kauna-unahang Best Actress award ko.
“Siguro ’pag napanood ito ni Celso Ad, pati siya, mamamangha at hahanga sa ganda ng pagkakagawa,” dagdag pa ni Susan.
Obserbasyon pa ni Susan, mas magagaling ang mga kabataang artista ngayon kumpara sa mga artista noon.
“Nakakabilib ang mga batang artista ngayon. Maaga pa, natuto na silang umarte,” pagtatapos ni Susan.
Related News
No. of Views: 173 views
Tags: ABS-CBN, Claudine Barretto, Diether Ocampo
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














