Mother ni Angelica Panganiban boto kay Derek Ramsey
April 20, 2008
GUESS kung kanino tumatakbo si Derek Ramsey kapag nag-aaway o, kaya’y nagkakaroon sila ng tampuhan ni Angelica Panganiban, his girlfriend.
“Sa mommy ko,” Angelica volunteered. “Malakas kasi siya sa mommy ko. Sobra siyang gusto ni Mommy.”
Inaamin ni Angelica na malaking factor si Derek sa maraming changes na kasalukuyang nangyayari sa kanya.
Happily, pawang positive naman ang influence na nagawa ni Derek sa kanyang buhay.
Halimbawa na’y ang kanyang pagiging prim and proper. Ang pagiging responsible at higit sa lahat, ang hangaring this early ay makapag-ipon ng sapat para kung halimbawang wala na siya sa showbiz, at least, ’di siya magiging pabigat sa mapapangasawa.
Like Derek, who is a college graduate from a university in the United Kingdom, gusto rin ni Angelica na maka-earn ng college diploma.
Feeling niya kasi, ito ang pinakamagandang fallback ’pag nag-decide siya to finally retire from showbiz.
Related News
No. of Views: 231 views
Tags: Angelica Panganiban
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














