Rape scene sa Maligno, inapela ni Claudine Barretto
April 20, 2008
Hindi pa alam kung ano’ng oras i-ere ang Maligno na magsisimula sa April 28. Bagama’t papalitan nito ang Kung Fu Kids na magtatapos naman sa April 25, baka raw magkaroon ng movement sa timeslot.
Pinagtatalunan kasi kung sa maagang time slot ito i-ere o medyo late na. May nagsasa-suggest kasi na huwag gawing maaga ang airing dahil hindi bagay sa mga bata ang maseselang eksena, lalo na nga ang first episode.
Pero, may nagsasabi rin naman na dapat ay late na ito i-ere dahil baka naman madala hanggang sa pagtulog ang mapapanood at magkaroon pa tuloy ng nightmare.
Samantala, kumalat ang balita sa showbiz na isa-sanitize raw ang rape scene nina Claudine Barretto at Rafael Rosell sa Maligno dahil umapela raw ang aktres na baka maapektuhan ang mga endorsement niya sa sobrang selan ng eksena.
Pero nang makausap namin ang isa sa production team ng horror-serye, aniya ay wala raw silang ganu’ng appeal na natatanggap mula kay Claudine.
Kung sakali man daw na mae-edit ang first episode, ito ay dahil sa pinagbawalan sila ng MTRCB. Pero ayon na rin kay Direk Wenn Deramas sa presscon, naaprubahan naman ito at very thankful sila about it.
* * *
Speaking of Kung Fu Kids, abangan ang engrandeng finale this week dahil tiyak na magugustuhan ng mga manonood ang mga nalalabing eksena.
Ang Kung Fu Kids ay kuwento ng pitong bata na may misyong iligtas ang mundo laban sa kasamaan. Sa tulong ng kanilang mga kakayahan at kapangyarihan, gagawin nila ang lahat upang pangalagaan ang mundong kanilang ginagalawan.
Mula sa direksyon nina Malu Sevilla at Richard Arellano, ang Kung Fu Kids ay nagpasikat ng mga bagong batang superstar.
Unang nakilala sa matagumpay ding palabas na Super Inggo bilang Jomar, isa si Jairus Aquino (bilang Lembot), sa mga nabigyan ng pagkakataon na lalong pang makilala.
Kasama rin sa cast sina Paul Salas (Uragon), Eliza Pineda (Sarah), Jane Oineza (Moira), Kristopher Dangculos (Benjo), Joshua Dionisio (Jazz) at Andre Garcia bilang ang cute na cute na si Chubbs.
* * *
Ngayong linggo na lalabas ang bagong male character sa Lobo na makaka-triangle nina Piolo Pascual at Angel Locsin.
Ito ay walang iba kundi si Geoff Eigenmann, one of the country’s good but underrated actors.
Mapapanood si Geoff sa bisperas ng kaarawan ni Angel, which is tomorrow, April 22, at abangan kung ano ang papel na gagampanan niya sa serye na makapagbabago sa buhay nina Lyka at Noah.
Abangan din ang mga bagong rebelasyon this week at kung magkakabalikan na ba sina Lyka (Angel) at Noah (Piolo).
Inaabangan din ng lahat kung kailan madidiskubre ni Noah na taong lobo ang kanyang minamahal na si Lyka.
Nang makausap namin si Piolo during a recent press visit, itinanong din namin ito sa kanya at aniya, “very soon.”
Bukod kina Piolo at Angel, hindi rin dapat tawaran ang effort ng iba pang cast para lalong mapaganda ang Lobo, tulad nina PIlar Pilapil, Robert Arevalo, Dimples Romana, Agot Isidro, Shaina Magdayao, Dante Rivero at marami pang iba.
Related News
No. of Views: 596 views
Tags: Angel Locsin, Claudine Barretto, NEDA, Piolo Pascual, Shaina Magdayao
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














