Piolo Pascual, Judy Ann Santos nag-isnaban sa ASAP

April 21, 2008







NITONG Linggo ay binigyan ng tribute si Judy Ann Santos para sa bagong pelikula  ng  ba-tang Superstar.

Handog umano ni Juday ito para sa kanyang 20 years na pamamalagi sa mundo ng showbiz  kung kaya’t  todo-birit din ang Champions ng ASAP 08  sa pagkanta ng theme songs ng teleserye ni-to mula Ula  days  pa hanggang Ysabella.

Kaya lang, kapansin-pan-sin ang hindi pag-awit ng theme song ng teleserye ni-na Juday at Piolo Pascual, huh?

Maganda pa naman ang awiting ‘yun at doon hinango ang title na Sa Puso Ko, Ii-ngatan Ka ni Carol Banawa.

Iniwasan na lang kaya ito para hindi na mabalikan pa ang isyu sa kanila ni Piolo?

Well, anuman ang dahi-lan ni Juday,  siguradong ni-rirespeto ito ng fans niya la-lo na siyempre ni Piolo.         ‘Yun na!

*  *  *

KAHIT sampung araw nanatili sina Anne Curtis at Aga Muhlach  sa  Discovery Shores sa Boracay, iwas na iwas si Aga na ma-link sa dalaga.

Nagpunta sina Aga at Anne sa mala-paraisong resort sa Bora to shoot most of the scenes for When Love Begins.

Gandang-ganda si Anne sa resort kung saan sila nag-shoot.

Back to Aga Muhlach,   understandable naman kung ganoon ang nararamdaman ni Aga, dahil happily married siya at walang record ang aktor na nali-link sa leading ladies mula nu’ng nag-asawa’t nagkapamilya na sila ni Charlene Gonzalez-Muhlach, ‘di ba?

In fairness, family man talaga si Aga.

Kahit kailan ay wala ta-yong narinig na na-link siya sa leading ladies niya, kaya ganoon na rin ka-secure si Charlene sa kanyang loving husband.

Hindi naman ipinagkai-la ni Aga na  naroon ang con-cern niya for Anne.

Lagi raw niya itong pi-napayuhan  at  maging si Anne ay ina-appreciate ang gesture ni Aga.

Sa presscon ng pelikula, hindi rin naiwasan  ni Aga  na  mag-blush  nang  malaman mismo niya mula kay Anne na kay-tagal hinintay ng aktres na ma-kasama siya  sa  isang pelikula.

Ibig  sabihin, desirable, papable at bankable pa rin si Aga.

At his age, siya pa rin talaga ang ni-ri-request at dream  leading  man ng mga batang aktres kahit sabihin pang ma-rami na ring hunk actors na naglipana ngayon.

Watch out for When Love Begins sa April 30, sexy and sweet sina Anne at Aga sa pelikulang ito.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Angela Velez
KC Concepcion
Maja Salvador
Kristine Jaca
Joyce So Picture Gallery
Aliya Parcs

 


Comments

Got something to say?





Advertiser