Anne Curtis natukso kay Aga Muhlach
April 22, 2008
KAKAIBA talaga ang a-lindog ni Anne Curtis. At napatunayan niya ito sa pelikulang When Love Begins na kinunan pa sa Boracay. Fifty percent of the movie ay naka-suot lang ng skimpy two-piece bathing suit si Anne kaya naman pati ang kanyang leading man na si Aga Muhlach ay hindi mapakali.
Aminado naman si Aga na attracted siya sa kaseksihan ni Anne at kung hindi lang siya may asawa na ay malaki ang posibi-lidad na ligawan niya ito.
Lalo pa ngang naintriga si Aga dahil sinabi ni Anne sa kanya na wala itong karelasyon ngayon so sa madaling salita ay hindi nito tinuturing na BF si Sam Milby.
Sa katunayan, panay nga ang confide ni Anne sa kanya nung nasa Boracay sila kaya naman na-ging protective na siya dito. He consider Anne to be a very special girl at hindi dapat lokohin ito ng kahit na sino.
Sa part naman ni Anne, wala raw siyang keber sa age difference nila ni Aga. Naranasan na raw niyang magkaroon ng isang BF na 10 years older sa kanya noon. And she admits Aga is very lovable naman.
Naku, mukhang hindi pa rin nawawala ang pagka-crush ni Anne kay Aga noong 12 years old palang siya at nagsisimula pa lang noon sa showbiz sa Magic Kingdom.
Related News
No. of Views: 178 views
Tags: Anne Curtis, Sam Milby
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














