Heart Evangelista pumirma ng two-year guaranteed contract sa GMA-7
April 23, 2008
KASAMA ang mga magulang, kapatid na babae at ang co-manager ng parents niyang si Annabelle Rama, pumirma ng two-year guaranteed contract sa GMA Network si Heart Evangelista kahapon ng hapon.
Bilang bagong Kapuso talent, iwi-welcome siya sa SOP sa Sunday at isa rin ang Sunday show sa magiging regular shows niya sa Channel 7. Ang una naman niyang teleserye ay ang Asero (working title), kapareha ni Richard Gutierrez.
Si Heart na ang sumagot sa tanong kung ano ang factors na nag-decide para siya’y pumirma sa Siyete. Sabi nito: “I’m gonna say something. ABS have been good to me and they have good offers, but GMA made an offer I can’t refuse at dalawang araw akong hindi nakatulog. I’m gonna be working with Richard.”
Sino ang gusto niyang makatrabaho sa Channel 7 aside from Richard?
“Anyone will do. Gusto ko lang mag-perform nang live sa variety show at umarte sa drama. Flattered ako sa importance na ibinibigay at sa trabahong ibinibigay sa akin. Bonus na si Richard.”
Alam ni Jericho Rosales ang pagpirma niya ng kontrata sa GMA, kahit nasa Malaysia ito. Happy daw ang actor sa desisyon niya, “Whatever makes me happy, he’s happy. We’re both achieving our goals.”
Are they still together? “Yes! Yes!”
Nagpaalam din siya sa ABS-CBN at naintindihan nila ang paliwanag ng mommy niya na it’s time for her to grow and to work with other actors at pumayag daw agad ang management.
Ikinuwento ni Annabelle na si Annette Gozon-Abrogar at si Wilma Galvante ang nagsabi sa kanyang libre na si Heart. Dahil kabarkada niya ang ama nito noong dalaga pa siya at kaibigan ang ina, siya ang kumausap para lumipat sa Channel 7 ang actress.
Hinanap niya ang number nito at kay Raymond Gutierrez niya nakuha.
“Nag-meeting kami sa Serenda at ’di ako umalis hangga’t hindi sila umuo. Ayaw nila noong una, dahil sa Channel 2 nag-start si Heart, 12 years old pa lang siya. Sinabi ko sa kanila na tanggapin ang offer para ibang buhay at para makatrabaho niya si Richard at ibang artista. Excited si Richard nang malamang pipirma na si Heart ng kontrata,” sabi ni Annabelle.
Hanggang umaga kahapon, hindi nakasiguro si Annabelle na pipirma na si Heart, kaya ang ginawa’y sumabay sa kotse ng parents niya.
Ipinaalala rin ni Annabelle na kinausap na niya si Heart para makapareha ni Richard sa Captain Barbell at Lupin, na parehong hindi natuloy, dahil ayaw nga nitong umalis sa Dos.
Hindi rin masabi ni Heart na tuluyan niyang iniwan ang Genesis at si Angeli Pangilinan-Valenciano, dahil nakikita pa rin niya ito sa church every Sunday at nananatili ang pagmamahal at respeto niya sa dating manager.
In fairness, hindi pinirata ng Channel 7 si Heart, dahil three years ago pa nag-expire ang kontrata nito sa ABS at per project kung mag-sign siya ng kontrata roon.
Sa posibilidad na ibigay sa kanya ang Darna, “Why not?” ang sagot ni Heart.
Related News
No. of Views: 211 views
Tags: ABS-CBN, Annabelle Rama, GMA, Heart Evangelista, Jericho Rosales, Pangilinan, Richard Gutierrez
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














