Aga Muhlach nagtampo sa ABS-CBN
April 25, 2008
Hindi ikinaila ni Aga Muhlach na sumama ang loob niya sa ABS-CBN dahil sa late na time slot inilagay ang programa niyang That’s My Doc when it started airing last year.
“Hindi ko naman ipinagkakaila na talagang sumama ang loob ko nang ilagay kami sa late na time slot. Para kasi gumawa kami ng isang programang pambata tapos inilagay naman kami sa 9 p.m. slot. I felt really bad,” kuwento ni Aga sa interview sa kanyang mga press people na dumalo sa presscon ng That’s My Doc na iba na ang oras at araw ng airing.
“I felt bad not for myself but for everybody else involved in the show. Gumagawa ka ng magandang programa, para sa kabataan, para sa mga bata tapos parang binabalewala lang nila. Medyo hindi ko nagustuhan iyon that we were put on a late time slot,” wika pa ng aktor.
“But I am happy now that they did something to change it,” sabi pa ni Aga. “It now airs every Saturday, at 6 p.m., so puwede na itong mapanood ng mga anak ko. Salamat talaga and I am really grateful.”
Dahil pambata ang sitcom na That’s My Doc kaya nagdagdag ng bagong cast members na mga bata like Jairus Aquino (Lem sa Kung Fu Kids), Sophia Baars (Lavinia sa Princess Sarah) at ni Bronson (Bronson sa Sakal, Sakali, Saklolo).
Kasama pa rin sa cast ng That’s My Doc sina Nova Villa, Roderick Paulate, Lara Quigaman, Ba-yani Agbayani, Pokwang at Celine Lim.
Hiningi ang comment ni Aga regarding sa pagtatampo ni Judy Ann Santos sa Star Cinema dahil sa nagkasabay ang playdate ng When Love Begins starring Aga and Anne Curtis, tapos ang pelikulang Ploning ni Juday.
“I don’t want to comment on that anymore. It’s really none of my business really if there’s a tampu-tampo issue. If there is. I’m out of that.
“This is my movie (When Love Begins). Gumagawa lang ako ng pelikula every year tapos ipapalabas iyan sa anumang playdate. Pinapaganda ko ang movie ko. I can assure them of a nice movie come the 30th of April,” sa-got ni Aga.
Going back to That’s My Doc, mas wholesome na raw ang show ngayon dahil sa maaga nitong oras, 6 p.m. ngayong April 26, sa ABS-CBN.
Related News
No. of Views: 411 views
Tags: ABS-CBN, Anne Curtis, Judy Ann Santos
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














