Billy Crawford, nasilat si Ryan Agoncillo sa ‘PDA 2’

April 25, 2008







Hinihintay ang reaction ni Ryan Agoncillo sa balitang  hindi siya, kundi si Billy Crawford na ang host ng season 2 ng Pinoy Dream Academy.

Ini-expect ng tao at nasusulat noon na si Ryan ang host ng PDA 2.

Hiningan din namin ng reaction ang manager ni Ryan na si Noel Ferrer at heto ang kanyang pahayag: “We waited for PDA sa first quarter of the year, kaso naurong nang naurong. Hindi rin puwede si Ryan, dahil tinanggap namin ang Pieta na kanyang gagawin sometime in June after their European vacation ni Judy Ann (Santos). December last year pa ito in-offer.”

Hopefully nga, compensated ng Pieta ang five months na walang regular show sa ABS-CBN si Ryan.

Hindi rin nagbigay ng details si Noel sa project, pero ang alam namin, sinulat ito ni Carlo J. Caparas at ididirek sa TV ni Toto Natividad.

Kinumpirma ni Noel na may offer ang GMA-7 kay Ryan, pero ayaw nilang magkaroon ng ingrato image ang TV host, lalo’t may offer naman ang Channel 2.

Sabi pa ni Noel: “We wanted to give ABS the chance to offer something na ilalabas ni Ryan ang potential niya as a TV host.”

Ang hindi sinagot ni Noel ay kung nagtampo o nalungkot ba si Ryan sa desisyon ng Dos na kay Billy ibigay ang PDA.

Kami na lang daw ang magtanong ’pag nakita namin ito. Kung malabo nang mapunta kay Ryan ang PDA, maganda sana kung ibibigay sa kanya ang Fear Factor ng Dos at itatapat sa Survivor Philippines ng Siyete, para sila ng friend niyang si Paolo Bediones ang magkatapat.

Samantala, pipirma pala ng panibagong kontrata sa Regal Entertainment sina Ryan at Judy Ann, ito’y kahit hindi pa nila nagagawa ang unang pinirmahan nilang project.

Si Joey Reyes ang tinatarget na magdirek sa bagong project ng dalawa.

* * *

Tungkol pa rin sa pagho-host ni Billy Crawford sa Pinoy Dream Academy, how true na ang talent manager na si Arnold Vegafria ang naging broker nito?

Siya ang nakipag-usap sa ABS-CBN at nakipag-negosasyon sa network.

Ibig kayang sabihin, si Arnold na ang manager ni Billy? Paano na si Raul Laurente na manager ng Fil-Am singer-composer?

Tama lang na magulat siya’t pareho sila ni German Moreno na walang alam sa nangyari.

Ang latest, nag-promise raw si Billy na tatawagan si Kuya Germs para siguro ipaalam ang desisyong ang offer ng Channel 2 ang tatanggapin over Dance Match  ng GMA-7.

* * *

Kinumpirma ng manager ni Eugene Domingo na si Ricky Gallardo na nasa GMA-7 na ang magaling na komedyana.

Kasama siya sa cast ng Kim Sam Soon bilang isa sa mga kaibigan ni Kim (Regine Velasquez).

Naunang gumawa ng pelikula sa GMA FIlms si Eugene, kasama siya sa The Promise at nasa cast din ng My Monster Mom at ITALY.

Nauna rito, nasulat na nagkaroon ng falling out sina Eugene at Direk Wenn Deramas na itinanggi ng director.

Nilinaw din ito ni Ricky. Wala raw ganu’ng nangyari sa dalawa at nagpaalam sila sa Channel 2 bago tanggpin ang KSS.

Wala rin daw exclusive contract sa Dos si Eugene at per project ang pinipirmahan nitong kontrata.

“Maganda ’yung role, at maayos ang usapan. Alam lahat ’yan ni Wenn bago kami umoo,” part ng text message ni Ricky na na-forward sa amin.

Si Eugene ang latest sa mga talent ng Channel 2 at Channel 7 na nagri-rigodon. Kaya kung nasa Dos na si K Brosas, nasa Siyete naman si Eugene.

Si Heart Evangelista ay Kapuso na at si Cristine Reyes nama’y Kapamilya na.

Ang hinihintay namin ay kung sino ang ipantatapat kay Billy Crawford na identified sa Channel 7 na lilipat sa Channel 2.

Sino kayang talent ng Dos ang susunod na mag-o-ober da bakod?

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Joyce So Picture Gallery
Teresa Herrera
Angel Locsin
ehra_madrigal_a_11
Kathleen Hermosa
Bianca King

 


Comments

Got something to say?





Advertiser