Heart Evangelista naunahan si KC Concepcion kay Richard Gutierrez

April 25, 2008







PUMIRMA ulit ng dalawang taong exclusive contract si Richard Gutierrez sa GMA-7 kahapon. Bahagi ng kontratang pinirmahan niya ay ang pagbibida sa bagong soap opera ng Siyete na Asero.

Makakasama ni Richard dito ang bagong Kapuso star na si Heart Evangelista.

Ayon kay Annabelle Rama, siya mismo ang pumili kay Heart para makatambal ni Richard sa Asero. Pero maging sa totoong buhay, boto rin daw siya kay Heart na makarelas-yon ni Richard.

“Edukada, mayaman at sosyal si Heart. Gusto ko siya para sa anak ko. Dalawa lang naman ang gusto ko for Richard, si Heart at si KC,” pahayag pa ng nanay ng aktor.

Eh, what if magkaroon nga ng relasyon ang dalawa?

“Bahala na sila do’n. Basta ang payo ko lang kay Richard,eh, mag-condom siya. Si Heart naman, basta mag-pills lang,” kuwelang pahayag pa ni Annabelle.

Super excited na si Richard na makatrabaho si Heart. In fact, matagal na raw niya itong gustong makasama sa show.

“Dream come true for me na makapartner si Heart kaya natuwa ako nung malaman ko na pumirma na siya ng kontrata sa GMA,” wika pa niya.

Samantala, naikuwento rin ni Annabelle kung ano ang mga bagay na kinatatakutan niya para kay Richard at  ikamamatay niya pag ginawa ng kanyang anak.

Ayoko siyang mag-motor. Nakakatakot ang aksidente. Ayoko rin siyang mag-drugs at makabuntis. Ikamamatay ko talaga ‘yon,” diin pa niya.

Sa Dubai gagawin ang first taping day ng Asero.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Bubbles Paraiso
Michelle Madrigal
Aliya Parcs
Patricia Javier
Nancy Castiglione
Cassandra Ponti

 


Comments

Got something to say?





Advertiser