Angel Locsin at Piolo Pascual, imposibleng magkatuluyan

April 27, 2008







OO na, maganda ang chemistry nina Angel Locsin at Piolo Pascual sa Lobo. Marami nga sa kanilang mga tagasubaybay ang umaasam na sana, sa totoong buhay, sila na ngang dalawa ang magkatuluyan.

Pero ewan ba, talagang kakatwa ang buhay. Mukha ngang malabong magkatuluyan sina Angel at Piolo dahil sa totoo lang, si Luis Manzano ang  matiyagang nanliligaw kay Angel at hindi lang nagtatapat ang dalaga kung ibinigay na niya ang matamis niyang oo sa binata nina Gov. Vi at Chairman Edu.

O, ayaw lang sigurong masira ni Angel ang loveteam nila ni Piolo sa Lobo?
But Piolo is talking about another girl. Kasamahan daw niya ito sa Victory Fellowship.

Na-e-excite raw siya sa girl na ito na siyang nagiging laman ng mga column item lately.

O, sige na, ibigay na ang hilig ni Piolo.

Pero, may nararamdaman ako na after Lobo,  aamin na sina Angel at Luis sa tunay nilang relasyon, dahil kung marunong kayong bumasa sa pamamagitan ng mata sa mata, mahahalata n’yo ang dalawa nang mag-celebrate ng kaarawan ang mga ito sa ASAP kamakailan.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Mary Jean Maycon
Nicole Hernandez Picture Gallery
Joyce So Picture Gallery
Asia Agcaoili
Valerie Concepcion
Joyce So Picture Gallery

 


Comments

Got something to say?





Advertiser