Judy Ann Santos at Claudine Barretto, civil sa isa’t isa
April 28, 2008
Who says na hindi puwedeng magkasama at magkatabi ang isang Judy Ann Santos at isang Claudine Barretto dahil sa “bitter memories” nila with the late Rico Yan (SLN) at ang intrigang kung sinex sa dalawa ang reyna o prinsesa ng ABS-CBN?
Not last Sunday sa The Buzz, kung saan ay magkatabi ang kanilang upuan habang iniinterbyu ng TV host na si Boy Abunda to promote their Pantene Most Beautiful Women with matching Gretchen Barretto and Ruffa Gutierrez on the side.
We were inside the studio of The Buzz and we saw na Juday and Claudine were very civil naman sa isa’t-isa, in fairness.
And who says, too, na hindi binibigyan ng importansya ng Kapamilya Network bilang isa rin sa kanilang bagong reyna or prinsesa si Angel Locsin?
Not last Sunday, kung saan ay binigyan ng ABS-CBN ng birthday presscon ang bida sa teleseryeng Lobo, kahit na sabihin pang hindi iyon ang araw mismo ng kaarawan niya, kundi nu’ng April 23 pa.
Nagkataon namang sumapit na rin si Angel sa edad na 23 nu’ng araw na ’yon. And presto, that day ay tumama ang numerong 23-23 sa EZLotto, ha!
Tsk, sayang, Ian F., at numerong 05-04 ang natayaan ng yours truly, tsuk!
“Do you believe that Angel Locsin is not complete without the love and affection of Luis Manzano?” ang quotation ek na tanong namin dito kay Angel mereseng with matching buckle ek on the side.
“I am complete because of Centrum,” ang very safe na sagot nitong si A.L., na ikina-‘oooh’ at ikinatawa ng mga siofatid sa panulat.
Anyway, matapos ang mahigit na anim na buwan ng pananatili sa ABS-CBN, mas naging kapansin-pansin ang talento ni Angel sa pag-arte na kinikilala, hindi lang dito sa ating Lupang Hinirang, kundi maging sa buong mundo (thank you, TFC!).
Ang kanyang mahusay na pagganap bilang Lyka sa Lobo with Piolo Pascual as leading man ay hindi maikakailang naglunsad sa kanya bilang isang ganap na aktres.
Related News
No. of Views: 208 views
Tags: ABS-CBN, Angel Locsin, Boy Abunda, Claudine Barretto, Judy Ann Santos, Luis Manzano, Piolo Pascual, Ruffa Gutierrez
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?













