Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo pumirma ng bagong kontrata sa Regal
April 28, 2008
Natuloy ang pagpirma ng panibagong kontrata nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa Regal Entertainment last Sunday.
Sa August nakatakdang gawin ng dalawa ang pelikulang ididirehe ni Joey Reyes, after their European vacation sa buong buwan ng June.
Happy sina Mother Lily at Roselle Monteverde-Teo na muling gagawa ng movie sa kanila ang dalawa at bukod sa pelikula nila, may project sina Judy Ann at Ryan na iba ang makakapareha.
Sabi ng actress, walang conflict sa kontrata niya sa Star Cinema ang pagpirma niya sa Regal, dahil parehong non-exclusive ang mga kontrata niyang pinirmahan.
Ikinagulat namin ang presence ni Annette Gozon-Abrogar ng GMA Films sa contract signing at nalaman na lang naming ang GMA-7 ang media partner sa promo ng movie, gaya sa Ploning, na showing na bukas.
Sabay sa April 30 opening ng movie ang pagtanggap ni Judy Ann ng best actress award sa PASADO para sa Ouija.
Samantala, today ang presentation sa ABS-CBN ng sitcom na gagawin nina Judy Ann at Ryan.
Nang tanungin tungkol doon, “meron ba?” ang sagot ng actress. “Hindi pa naman nag-uumpisa, pag-uusapan pa lang at hangga’t ’di nagti-taping at ’di ipinalalabas, marami pang posibleng mangyari. Fifty-fifty pa siya, ibig sabihin, ’di pa sure,” pahayag nito.
Ano ang reaction niya na hindi na si Ryan ang host ng Pinoy Dream Academy?
“Nagulat ako, dahil isa ako sa nakaaalam sa plano. Nabasa na lang namin sa dyaryo, kung kami sana ang unang nakaalam, walang gulatan.”
* * *
Nauna na naming tinanong si Ryan tungkol sa isyung ang Endemol daw ang pumili kay Billy Crawford na mag-host ng Pinoy Dream Academy 2.
Sa diyaryo rin niya nabasang out na siya bilang host nito.
“Hindi ako makapag-comment, pero I remember late last year, I met with Tita Cory (Vidanes) about the show. Also, according to the calendar of Channel 2, by January this year, sisimulan namin ang PDA at isusunod ang Pieta.
“Pagbalik namin ni Juday from the States, akala ko sisimulan na ang PDA at tumatawag pa si Direk Joey (Reyes) kung pumirma na ako ng contract. Sabi ko, inaayos pa ang schedule.
“Kaso, naurong sa June ang PDA at du’n na nagka-problema. Imposible kong magawa kung may Pieta ako. We asked kung puwedeng weekend host na lang ako, naghintay kami ng sagot, hanggang nabasa ko na lang na si Billy na nga ang host. Okey!
“Nabalitaan kong Fear Factor is coming. I’d take the shot and the chance to host it. Siguro ito na ang hosting job na hinihintay ko and even better, kung ako ang mapili, ’di ko kalaban ang Pinoy Idol.
“Kaya kong gawin ang Fear Factor, confident ako,” wika ni Ryan.
Five months na siyang walang regular TV show, pero hindi siya bitter. Marunong daw ang Diyos, dahil nakasama siya sa Cuyo at nagawa ang coffeetable book ng Ploning, na mga kuha niyang litrato ang ginamit at for sale for P1,900.
Related News
No. of Views: 464 views
Tags: ABS-CBN, GMA, Judy Ann Santos
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














