Movie press pinaligaya ni Angel Locsin
April 28, 2008
Aba, natalbugan ni Angel Locsin ang ibang sikat na artista dahil tanging siya lamang ang nagbigay ng birthday blowout treat sa press.
Yes, siya ang nag-birthday last April 23, pero siya ang nagbigay ng regalo sa press bilang pasasalamat sa patuloy na suporta ng mga ito sa kanyang career. P100,000 cash ang ipina-raffle niya at 15 (sampung P5,000 at limang P10,000) na ma-susuwerteng ka-patid sa panulat ang nakatanggap nito.
Yes, maru-nong ngang mag-share ng kanyang blessings si Angel kaya naman tuluy-tuloy rin ang suwerteng dumarating sa career niya.
Ang taas ng rating ng teleserye niyang Lobo at sa totoo lang punumpuno ito ng TV commercials kaya naman hanggang July pa ito magi-ere samantalang ang kasabay nitong Palos ay namaalam na last week.
Magsisimula na ang pelikulang gagawin nila ni Piolo Pascual sa Star Cinema. At parami nang parami pa rin ang kanyang commercial endorsements at ang pinaka-latest nga ay ang pagiging newest female celebrity endorser niya ng Folded N Hang.
Matatapos na ang contract niya sa Jag kaya puwe-de na siyang lumipat sa Fol-ded N Hang.
Pero, ang ibig bang sabihin nito ay maiitsapuwera na si Maja Salvador sa Folded N Hang?
* * *
Ayaw pang umamin ni An-gel sa tunay na relasyon nila ni Luis Manzano, pero susog niyua sa amin, wala naman daw siyang dine-date na ibang lalaki ngayon kungdi si Luis lang.
At nang tanungin namin siya kung wala rin bang ibang babaing idine-date si Luis, isang malutong na “dapat” ang isinagot niya sa amin.
Sabi nga nila sa bibig na-huhuli ang isda.
Kinumpirma ni Angel na silang dalawa ni Luis ang magkasama last Holy week sa Bangkok. Wala raw silang ibang kasama.
Pero mabilis na sinabi niya na magkaiba raw sila ng kwartong tinulugan. Hindi lang namin naitanong kung wala bang connecting door sa mga kuwarto nila ni Luis.
At any rate, si Luis daw ang nagbayad ng plane tikets nila. Samantalang siya naman ang nagbayad sa hotel.
Bigla naming naalala ang pag-amin din ni Zanjoe Marudo sa naging Hong Kong trip nila ni Mariel Rodriguez last Holy Week din.
Pero very candid na-mang sinabi ni Zanjoe na sa iisang kuwarto lang daw sila nag-stay ni Mariel para tipid daw at KKB (kanya-kanyang bayad) sila sa plane fare.
Nakakaloka!
Related News
No. of Views: 274 views
Tags: Angel Locsin, Luis Manzano, maja salvador, Mariel Rodriguez, Piolo Pascual
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














