Inah Revilla at Vince, walang honeymoon

April 29, 2008







ILANG linggo na lang, kasalang Inah Revilla at Vince del Rosario na. Gaya ng alam na natin, sa May 28 nakatakdang mag-isang dibdib ang dalawa sa Manila Cathedral, kung saan si Sharon Cuneta pa lang ang kumpirmadong celebrity ninang.

Ayaw pang i-reveal ng mommy ni Inah na si Lani Mercado ang buong listahan ng principal sponsors, dahil mas maganda raw kung ang mga ikakasal ang mismong magbabalita nito.

Pero, inamin ni Lani na sobrang busy na sila sa pag-aasikaso sa nalalapit na okasyon at any day now, idi-distribute na nila ang wedding invitations.

Sa presscon ng reformatted Moms ng QTV 11 kahapon ng tanghali, sinabi pa ni Lani na hindi na magha-honeymoon sina Inah at Vince dahil busy ang huli sa summer schooling sa isang college sa Makati City.

Tapos, a few weeks after the wedding, pasukan na uli, kaya wala talagang time para umalis pa ang dalawa.

“Nauna na nga ang honeymoon, ’di ba? Saka na siguro ’pag nakapanganak na siya (Inah). Basta ang sabi ko sa kanila, ’wag munang susundan ang baby,” tsika pa ng batambatang grandmom, na happy sa consistent performance ng Moms sa ikatlong taon sa ere.

Bukod sa Revilla-Del Rosario nuptials, busy din si Lani sa pag-aalaga sa 83-year-old mom niyang naka-confine ngayon sa Cardinal Santos Hospital due to non-appetite at pag-e-enroll ng mga anak.

Graduating na raw next year ang panganay niyang si Bryan sa kursong Consular & Diplomatic Affairs sa St. Benilde habang incoming sophomore naman si Jolo sa San Beda sa kursong Marketing.

Ang apat na buwang buntis na si Inah naman, on leave although incoming second year na sana sa Ateneo taking up Management.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Marian Rivera Picture Gallery
Mariel Rodriguez
Marian Rivera Picture Gallery
Diana Zubiri
Nancy Castiglione
Aubrey Miles

 


Comments

Got something to say?





Advertiser