Marian Rivera, pinalilipat ni Piolo Pascual sa ABS-CBN

April 29, 2008







Naglalakihang pictures nina Piolo Pascual at Marian Rivera ang nakalagay sa invite sa launching ng Blue Water Spa this Wednesday.

Makikita rin ang magkasamang litrato ng dalawa sa billboard, poster at print ad.

Three months nang nag-pictorial sina Marian at Piolo para sa Blue Water Spa at kanilang naisikreto.

Masaya raw ang kanilang pictorial at may kasamang biruan, gaya ng pagyayaya ni Piolo na lumipat sa ABS-CBN si Marian.

Ang sagot ng actress, bakit hindi si Piolo ang lumipat sa GMA-7?

Sa dinner, hiwalay ng mesa ang grupo ng Channel 2 at Channel 7.

Lumipat sa mesa ng mga taga-Siyete si Piolo para mas magkakuwentuhan sila ni Marian.

Samantala, tuwang-tuwa ang grupo ng Dyesebel sa 44.9 percent na nakuha nito sa pilot episode considering na hindi pa napapanood sina Marian at Dingdong Dantes at nag-brownout sa ilang lugar sa Manila, Quezon City at San Juan.

Obviously, na-miss ng viewers ang tambalan ng dalawa at gustong tutukan ang simula ng istorya nito.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Cassandra Ponti
Cindy_Kurleto_464
Isabel Roces
Jamila Obispo
Michelle Madrigal
Amanda Griffin

 


Comments

Got something to say?





Advertiser