KC Concepcion pumirma na ng three-picture contract sa Star Cinema
April 30, 2008
Kahapon ng umaga ay pumirma na ng three-picture contract si KC Concepcion sa Star Cinema.
Present sa contract signing ang bigwigs sa pangunguna nina Charo Santos-Concio (ABS-CBN president) at Malou Santos (Star Cinema managing director).
Sa tatlong pelikulang naka-line-up na gagawin ni KC, iba-iba rin ang direktor and of course, leading men.
Sa first movie na uumpisahan na ngayong Mayo ay si Direk Joyce Bernal ang magdidirehe, sa second movie naman ay si Chito Roño, at sa pangatlo ay si Cathy Garcia-Molina.
Isang light romance ang unang pelikulang gagawin ni KC. Pero confidential pa ang leading man sa first and second movies dahil magkakaroon daw ng announcement tungkol dito.
Ang ikatlong pelikula pa lang daw sa ngayon ang puwedeng i-reveal at ito ay with Piolo Pascual.
Siyempre, curious ang lahat na malaman kung sino ang kauna-unahang magiging leading man ni KC sa pelikula.
Ang balita kasi dati ay si John Lloyd Cruz, pero sa mga ibinigay na clues ng young actress, parang ibang aktor ang kanyang makakapareha.
“Basta kung ano po ’yung clamor ng tao, ’yun po ang ibibigay namin,” ang pahaging ni KC, kaya marami ang naghinala na baka si Richard Gutierrez ito since lately ay ang tambalan nila talaga ang hinihiling ng mga tao.
Pero kahit ano’ng pilit, ayaw talagang sabihin ni KC at maging ng mga taga-Star Cinema. Hintayin na lang daw ang announcement.
Habang tumatagal ang pakikipag-usap namin kay KC, lalong nabubuo ang hinala ng press na si Richard nga siguro ang leading man ng young actress, kaya hiningan na rin namin ng pahayag si Malou Santos.
“Actually, namimili pa kami kung sino ang makakasama dahil siyempre, it has to be special dahil first movie niya ito.”
Inamin naman ng lady exec na isa talaga si Richard sa kanilang mga choices.
“Kasi, ’di ba, marami namang leading men, so, hindi talaga maiaalis na may Richard Gutierrez,” matipid niyang sagot.
Pero gaano kalaki ang possibility ng Richard-KC tandem?
“Depende sa agos ng buhay. Pero sa ngayon, maaliwalas,” tila may ibig sabihing sagot ni Malou.
Matatandaang nauna nang nagpahayag ng interes ang GMA Films for a co-production movie with Star Cinema starring Richard and KC, kaya tinanong namin si Malou kung ano ba ang naging pagtanggap niya rito?
“Well, maraming bagay na puwedeng mag-work together not nesssarily na magsama. Parang ganu’n na lang. Kumbaga, we take it positively. Marami namang ventures na puwedeng gawin but not necessarily na magsama.”
Nilinaw din namin kay Malou ang tungkol sa pagbabalik-Kapamilya ni Direk Joyce dahil as everybody knows, kasalukuyan itong nagtatrabaho sa GMA-7.
Ayon sa lady executive, may blessing naman daw niya ang pagtatrabaho ni Direk Joyce sa Kapuso network.
“Nagpaalam siya sa akin to direct Marimar and Dyesebel bago niya gawin. At pinayagan ko naman siya,” pahayag ni Malou.
Samantala, masayang-masaya naman si KC sa pagpirma niya ng kontrata, lalo pa nga’t tatlong malalaking pelikula ang ibibigay sa kanya.
“I feel like a star,” sambit ng dalaga ni Sharon Cuneta.
Ngayong araw na ito ay lilipad si KC ng Paris para magbakasyon ng isang linggo sa bansang itinuturing niyang second home.
Pagbalik niya, sasabak na siya sa shooting ng kanyang first movie, kaya she needs to unwind muna for a while.
Related News
No. of Views: 305 views
Tags: ABS-CBN, GMA, John Lloyd Cruz, KC Concepcion, Piolo Pascual, Richard Gutierrez, Sharon Cuneta
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














