Angel Locsin ayaw ibuking ang relasyon kay Luis Manzano

May 2, 2008









Masasabing insprasyon si Angel Locsin sa mga kabataang artista ngayon.         Nu’ng post-birthday presscon ng aktres ay naikuwento niya sa lahat na hindi niya  inakalang lahat pa-ngarap niya ay darating nang ganito kaaga sa kanya.

At 23, naipagpatayo na ni Angel ng bahay ang kanyang mga magulang at ipinagmamalaki rin ng aktres na may ilan na rin siyang naipundar na ari-arian sa probinsiya.

Nabanggit din ni Angel, dati raw nu’ng nasa Click (isang youth oriented program ng GMA-7) pa siya ay ugali niyang hinihimas ang mga kotse ng ilan ni-yang mga kasamahan na may kaya sa buhay.

Inisip ni Angel that time na balang-araw ay magkakaroon din siya ng ganyang sasakyan.

Now, she has more than what she asked for.

Ngayon, hindi lang basta kotse ang minamaneho ni Angel, nabalitaan na-ming may Hammer ang aktres at iba pang sasakyan na bongga.

Hindi rin nawawalan ng pag-asa si Angel pagda-ting sa pagpapagamot ng paningin ng kanyang amang si Anghel Colmenares.

Modern na rin ang approach ng medisina nga-yon at may kung anu-anong teknolohiya na silang naimbento para sa pagppagaan ng buhay ng mga tao, kaya ganoon na lang din ang lakas ng paniniwala ni Angel na isang araw ay makakakita pang muli ang ama.

Teka, bakit ‘pag dating kay Luis Manzano ay ha-latang umiiwas sa pagsa-got si Angel?

As in may katipiran nang kaunti, huh? Ayaw lang kaya magpabuking ni Angel sa press?

Senyales kaya ito na meron talaga silang relasyon ng TV host o baka naman good friends lang sila.

Charoz. Good friends daw, o.

Related News









Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Nicole Hernandez Picture Gallery
Asia Agcaoili
Vina Morales
Mylene Dizon
Cassandra Ponti
Cassandra Ponti

 


Comments

Got something to say?





Advertiser