Piolo Pascual - Marian Rivera, pantapat sa Richard-KC tandem

May 3, 2008







HINDI na siguro kailangang kulitin pa ng press ngayon si KC Concepcion kung totoong si Richard Gutierrez ang isa sa magiging leading men sa pinirmahang three-picture contract sa Star Cinema.

Out in the open na ang pagpirma ng prized property ng GMA Network at GMA Films sa Star Cinema ng ABS-CBN 2 nu’ng isang hapon.

Ang akala ng iba, imposible ang Richard-KC tandem sa movie dahil nga naka-kontrata ang mga ito sa magkalabang istasyon.

Ang haka-haka pa, kaya raw siguro pumayag ang GMA Films na ipahiram si Chard sa Star Cinema, eh, para ipahiram din sa kanila si Piolo Pascual, na puwedeng itambal kay Marian Rivera.

Sa totoo lang, hindi ito masamang ideya. Pero, ang alam ng Tonight, eh, may ibang plano ang GMA Films sa pagpapahiram kay Richard sa Star Cinema.

Read n’yo na lang ang item ng katotong Vinia Vivar, ha?

Anyway, sakaling patulan ng GMA Films ang ideya ng Piolo-Marian team-up, hindi kaya pagsimulan na naman ito ng panibagong intriga?

Sigurado kaming aabangan ito pareho ng fans, pero ang tanong: Kaninong pelikula ang mas kakagatin ng mga tagahanga, ang kina Richard at KC o kina Piolo at Marian?

* * *

STILL on KC, ayaw palang maniwala ng unica hija nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta sa tsikang siya ang dahilan ng pananamlay ang career ni Angel Locsin sa Dos.

Hindi raw totoong insecure si Angel sa kanya.

Katunayan, magkaibigan daw sila at nagkausap pa sa airplane habang nasa isang biyahe.

Doon daw nakilala ni KC ang totoong Angel - down to earth at super totoong tao.

Sabi raw ni Angel, fan siya ni KC. Ganundin ang dialogue ng huli sa una.

So, paano raw sila mai-insecure sa isa’t isa?

* * *

SA rami ng kasong kinakaharap ni Gabby ngayon, hindi kaya mabantilawan ang pagbabalik-showbiz niya?

Bukod sa falsification of public documents at bigamy, nariyan din ang kasong breach of contract with damages na isinampa laban sa kanya at sa kanyang manager na si Rose Flaminiano ng showbiz columnist-TV host na si Jobert Sucaldito.

Tingin ng ilan, hindi magandang pangitain sa isang nagbabalik na gaya ni Gabby na sa unang tapak pa lang sa ’Pinas, kaso agad ang bumungad.

Isama pa rito ang naging problema sa pinirmahang kontrata sa GMA Films, na mukhang unti-unti naman nang naaayos.

Dapat sigurong ma-realize ng kampo ni Gabby na hindi na ito ang dating mainit na matinee idol. Baka sa halip na bumalik ang kasikatan niya, eh, tuluyan siyang bumagsak dahil sa mga intrigang kinasasangkutan lately.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Mary Jean Maycon
Asia Agcaoili
Assunta de Rossi
Bianca Araneta
Cassandra Ponti
Cassandra Ponti

 


Comments

Got something to say?





Advertiser