Rhian Ramos ’di makawala sa image na pasaway

May 3, 2008







HABANG wala pa siyang regular program pagkatapos ng My Only Love ay sa Bubble Gang nakasingkaw si Rhian Ramos na pala-ging natsitsismis at nami-misinterpret na pasaway.

“Naku! Outspoken lang po ako kaya akala ng iba’y pasaway ako. Nu’ng bago pa lang kasi ako sa showbiz ay panay ang pagsasalita ko ng English. Akala tuloy, mayabang ako. Kaya sa bahay nami’y puro Tagalog na ang ginamit ko para masanay ako.

“Nanood ako ng mga Tagalog soap at nagbasa ng Tagalog na magazine at dyaryo. Eto, okey na ang dila ko sa Tagalog,” ani Rhian na sa biglang tingi’y kahawig nina Vina Morales at Alessandra de Rossi.


Dalawang  pelikula ang ginagawa niya ngayon. Ang Italy  ng GMA Films topbilled by Jolina Magda-ngal, Dennis Trillo, Mark Herras and Rufa Mae na kinukunan sa isang luxury liner at iba-ibang places sa Europe.

“Masarap dahil work and pleasure ito. Passenger ako at crew ng boat si Mark.”

Sa  My Monster Mom ng mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez ay ka-join din siya. “I love the role kasi ako ang young Annabel at si Richard (Gutierrez) ang young Eddie Gutierrez. Mabubuntis ako at ang magiging baby ko’y si Ruffa.”

Enjoy siya sa Bubble Gang  nang mag-guest siya last  Friday evening  kasama si Dennis Trillo.

“Parang isang pamilya ang mga nasa cast ng show kaya at home ako agad,” sabi pa ng witty young star ng GMA Artist Center na ngayo’y rumaratsada na rin sa pagiging product endorser.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Cassandra Ponti
Asia Agcaoili
Mary Jean Maycon
Aubrey Miles
Cindy Kurleto
Joyce So Picture Gallery

 


Comments

Got something to say?





Advertiser