Richard Gutierrez - KC Concepcion Valentine movie sa GMA Films

May 3, 2008







KUMPIRMADONG pumirma na nga ng one-picture contract si Richard Gutierrez sa Star Cinema last Friday na pilit pinagkakalihim-lihim ng Star Cinema pero naglabasan din.

Pumirma si Richard ng kontrata para sa isang pelikulang pagsasamahan nila ni KC Concepcion.

Unang ibinalita ng TV Patrol World nu’ng Friday night ang contract signing. Kasamang pumirma ni Richard ang kanyang inang si Annabelle Rama.

Present din sa naturang pirmahan ang managing director ng Star Cinema na si Malou Santos at ilang executives ng ABS-CBN.

Wala pang detalye kung paano nabuo ang negosasyon dahil hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang bibig ng mga taga-Star Cinema kaya’t marami ang nagtatanong kung co-prod ba ang Richard-KC movie ng Star Cinema at GMA Films.

Matatandaang noon pa ay nagpadala na ng feelers ang GMA Films sa Star Cinema proposing a co-production venture sa Richard-KC movie.

Sa contract signing ni KC  sa Star Cinema last Wednesday, nagsimulang mabuo ang hinala ng posibleng pagtatambal ni Richard at ng young actress dahil na rin sa mga ‘hint’ at ‘clue’ na ibinigay nila.

“Basta po kung ano ’yung clamor ng mga tao, ibibigay namin,” ang dialogue ni KC.

Nang kausapin naman namin ang Star Cinema head at tanungin kung magku-co-prod ba sila ng GMA Films, ang sagot niya ay puwede naman daw magkaroon ng negosasyon nang hindi kailangang magsama. Kung iaanalisa, hindi sila co-prod ng film arm ng Kapuso Network.

Isang very reliable source ang aming nakausap at nagsabing nagkaroon ng ibang negosasyon ang Star Cinema at GMA Films.

Ayon sa source, hindi nga co-production venture ang mangyayari kundi “hiraman” o “ex-deal.”

Pareho umanong gagawa ang Star Cinema at GMA Films ng Richard-KC movie sa ilalim ng kani-kanilang outfit.

Ayon pa sa source, ang Star Cinema movie nina Richard at KC ay sisimulan sa June pagbalik ng dalaga mula sa pagbabakasyon sa Paris. Ipalalabas ito sa August, samantalang ang GMA Films naman ay maglalabas din ng sariling Valentine movie na pagbibidahan ng dalawa next year.

Well, we have yet to hear a word from Star Cinema and GMA Films tungkol dito, pero anuman ang negosasyong nangyari sa kanila, umaaasa ang lahat na ito na sana ang katapusan ng network war sa pagitan ng Kapamilya at Kapuso.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Claudine Barretto
Claudine Barretto
KC Concepcion
Phoemela Barranda
Vanna Garcia
Jocelyn Oxlade

 


Comments

Got something to say?





Advertiser