Heart Evangelista - Jericho Rosales breakup gimik lang?

May 4, 2008







Usap-usapan ang tungkol  sa pagbi-break nina Jericho Rosales at Heart Evangelista.

As, in wala na itong kiyeme. Totohanan na raw ito.  Sinabi na umano kasi ni Heart na wala na sila ng aktor, kung kaya’t  ispekulasyon ng marami, ito rin  ang dahilan kung bakit  umalis noon si Heart papuntang Amerika kasama ang pamilya niya.

Doon na nagsimulang lumabas ang balitang hiwalay na sila ng aktor dahil  nagkaroon na siya ng panahon to be with her family at medyo nahimasmasan  na  siya kumbaga.

Eh, alam naman ng lahat na  it took time bago natanggap ng pamilya ni Heart si Jericho, ‘di ba?

Dahil tinanong din namin ang opinyon ng ilan sa kasamahan namin sa panulat,  sinabi rin ng mga ito na puwedeng gimik din lang ni Heart ang  mga ganitong drama para mapag-usapan siya.

Naku, true kaya ito?

May nagsasabi ring hindi nakapagtataka kung  matagal inamin ni Heart na  wala  na  silang relasyon umano ng aktor.

In the first place, matagal din naman daw kasing inamin ng dalawa ang naging relasyon nila noon.

Well, sa tingin namin ay  hindi naman siguro ito gagawing gimik ni Heart, gaya ng sinasabi ng iba.

The height na ng ka-cheapan kung pati ang lagay ng personal mong buhay ay gagamitin mo para lang mapag-usapan ‘di ba?

Hindi ganoon  si Heart sa aming pagkakakilala sa kanya. May breeding ito at disente ang pinanggalingang pamilya.

Ngayong nasa  pangangalaga na  ng GMA-7 ang aktres, ang management naman ang gagawa ng strategy para muling magkaroon ng awareness ang tao sa kanyang projects.

Ganoon po ‘yun.

Si Jericho ay kasalukuyang nasa Malaysia raw ngayon at ginagawa ang bagong proyekto nito sa ABS-CBN with Carmen Soo.

Ito namang si Heart ay bisibisihan sa   shows niya sa Siyete.

Hopefully, amicable naman ang  paghihiwalay ng dalawa,  noh.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Jaymee Joaquin 661
Amanda Griffin
Amanda Griffin
Nicole Hernandez Picture Gallery
Angela Velez
Roxanne Guinoo

 


Comments

Got something to say?





Advertiser