Judy Ann Santos malaki ang tampo sa ABS-CBN at Star Cinema

May 5, 2008







PALAISIPAN sa amin ang mga sinabi ni Judy Ann Santos sa latest TV interviews kung saan ay paulit-ulit niyang binabanggit ang salitang “utang na loob.”

Ani Juday, marunong naman siyang tumanaw ng utang na loob at kung ito ang pag-uusapan, talagang malaki ang utang na loob niya sa ABS-CBN.

Pero kung kakalkalin daw ang pinanggalingan, sa GMA-7 siya talaga unang napanood ng mga tao.

Sa tono ni Juday, parang may nararamdaman kaming ‘pamamaalam’ sa ABS-CBN at paglipat, lalo pa’t nag-dialogue siya na kung anuman daw ang magiging desisyon niya next year, sana ay maintindihan na nagtatrabaho lang siya.

May isang taon pang natitira sa kontrata ni Juday sa Kapamilya at say niya, “Kung magre-renew ako, ibig sabihin, maganda ang offer.  Pero kung hindi, ibig sabihin, hindi maganda ang offer. Trabaho na lang,” sabi pa ni Juday.

Halata rin sa tono at mukha ng aktres ang tampo sa Star Cinema. Habang iniinterbyu, parang maiiyak siya at kitang-kita sa kanya ang kalungkutan.

Matatandaang nagtampo si Juday sa mother studio nang magkasabay ang playdate ng When Love Begins ng Star Cinema at pelikula niyang Ploning.

Dahil dito, sa GMA-7 napagkikitang nagpo-promote si Juday ng Ploning at sa SOP din siya nagdiwang ng kanyang kaarawan ngayong Mayo.

Matatandaang nagpaliwanag na rin ang Star Cinema hinggil sa ‘tapatan’ issue at sinabing hindi sila ang tumapat sa Ploning dahil June, 2007 pa ay nakakuha na sila ng April 30, 2008 booking.

At the rate things are going, halatang masama pa rin ang loob ni Juday at nagpapahaging na ng “pag-alis” sa Kapamilya.

Kapansin-pansin din sa latest interviews ni Juday ang sobrang papuring ibinibigay niya sa GMA-7 at aniya, ’di niya inaaasahan ang napakalaking suportang ibinibigay ng network sa kanya.

Sa kasalukuyan, may teleserye pa si Juday na lalabas sa ABS-CBN, ang Habang May Buhay o nurserye, at kung hindi mase-settle ang problema sa pagitan nila ng home studio niya, we wonder kung paano ang magiging working relationship nila.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Nancy Castiglione
Asia Agcaoili
Rhian Ramos
KC Concepcion
Maja Salvador
Cindy Kurleto

 


Comments

One Response to “Judy Ann Santos malaki ang tampo sa ABS-CBN at Star Cinema”

  1. kiesha fernandez on May 6th, 2008 3:02 am

    miss judy ann, kung ano ang nasa PUSO mo ay yun ang sundin niyo.
    kahit malaki ang utang na loob mo sa isang tao, ay nasuklian mo naman din ito nang maayos at malaki naman din ang naging kontribusyon mo sa kanila.

    soo go go go….. wag kang mag-alala may kapusong laging dadamayan ka!!!

    good luck sa career nyo po and GOD bless.

Got something to say?





Advertiser