Jieriel, Linda at Kevin big time na dahil sa PBB

May 6, 2008







NGAYONG nakalabas na sina Jieriel ng Davao, Kevin ng Madrid at Linda ng Iriga sa PBB house, tiyak na maraming nag-aabang ng mga sasabihin nila tungkol sa kanilang adventures sa PBB Teen Edition Plus at siyempre sa mga plano nila sa hinaharap.

Tiyak na matutuwa ang fans ng tatlo sa plano nilang subukan ang showbiz. Ang dalawang dalaga ay planong pagsaba-yin ang pag-aaral at pag-aartista. Plano ni Jieriel na kumuha ng Dentistry samantalang balak tapusin ni Linda ang high school dito sa Manila.

Si Kevin naman ay gustong mag-artista para mabigyan ng exposure na kailangan niya upang makasali sa Olympics. Ayon pa sa equestrian ay pangarap niyang makatrabaho sina Anne Curtis at Luis Manzano.

May sama ng loob ba sila sa mga nag-nominate sa kanila? Wala. Lahat sila ay tanggap na normal lang ang nominasyon sa PBB at naiintindihan naman daw nila ang mga rason ng mga kasama nilang nag-nominate sa kanila.

Nagsisi ba sina Kevin at Linda sa kanilang voluntary exit?

Hinding-hindi. Ayon kay Kevin ay masaya siyang naiwan pa rin sa loob ng Bahay ni Kuya ang mga mas higit na nangangailangan ng premyo.

Samantala, muling idiniin ni Linda na ang pamilya niya ang dahilan ng kanyang voluntary exit at kahit anumang mangyari ay mas matimbang ang kaligayahan ng pamilya niya kaysa sa kung ano pa man.

Masaya naman nitong ibinalita na nagbunga  ng maganda ang kanyang paglabas dahil nagkaayos na ang kanyang mga magulang.

Ngayong wala na sila sa kompetisyon ay may kanya-kanya silang mga manok para sa Big 4. Gusto ni Jieriel na si Jolas ang manalo at gusto naman niyang mag-Big 4 sina Beauty, Robi at Ejay. Top 3 lang ang nasagot ni Linda na kinabibilangan nina Robi, Nan at Valerie, samantalang ang Big 4 naman ni Kevin ay sina Nan, Ejay, Jolas at Rona.

Sino ang pinakanami-miss nila sa loob ng bahay?

Sina Beauty at Jolas ang para kay Jieriel samantalang sina Valerie at Alex naman ang kay Linda. Iba naman ang sagot ni Kevin. Si Kuya raw ang pinakamami-miss niya.

Tapos na nga ang paglagi nina Jieriel, Linda at Kevin sa loob ng Bahay ni Kuya at napa-kita nila ang kanilang mga tunay na pagkatao. Ngayon nga ay handang-handa na sila sa mas malalaking hamon na naghihintay sa kanila sa outside world. Unti-unti nang nagkakaroon ng malalaking katuparan ang kani-kanilang mga pangarap.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

jenny_hernandez_7
Amanda Griffin
Angel Locsin
Diana Zubiri
Assunta de Rossi
Nancy Castiglione

 


Comments

Got something to say?





Advertiser