Piolo Pascual mas lalaki kaysa kay Ryan Agoncillo
May 6, 2008
Bago lumala ang naisulat kong hindi sa Taliba na mas lalaki para sa akin si Piolo Pascual kaysa kay Ryan Agoncillo, lilinawin ko kung bakit.
Hindi ko po babawiin iyon dahil isinulat ko talaga and I meant it when I wrote it.
Na-discover kasi ng Taray kailan lang na nu’ng pakiusapan ako ni Ryan na dalhin sa kanya si Piolo at panahon na raw para sila magkabati, haping-hapi ako.
Ryan exact words were: “Nagtama na ang aming paningin. Iyon ang sabi ko sa sarili ko na hudyat para magbati na kami.”
I wasn’t close to Piolo, pero, isinagasa ko talaga that time ang crowds ng fans ni Piolo para sabihin ang mensahe ni Ryan.
I was made to believe na si Piolo lang at si Ryan ang nag-uusap.
Lalaki sa lalaki.
Pero, lumabas na isinama pala ni Ryan si Judy Ann (Santos). So, Ryan was there with Juday nang ipasok ko si Piolo sa sasak-yan kung saan sila mag-uusap. When I asked Piolo, hindi siya nag-dalawang-salita nang ibulong kong si Ryan ang makiki-pag-usap sa kanya.
Naroon ang bar-kada niya, pero ni isa sa kanila ay hindi niya niyaya. Solong sumama sa akin si Piolo para patas.
After the incident, I asked Ryan for Piolo’s number pero, ayaw niyang ibigay sa akin. Kung ako nagtiwala sa kanya, bakit hindi niya ipinagkatiwala sa akin ang number ni Piolo?
Magpapasalamat lang naman ako at hindi nagbabalak na maging textmate, niya. He didn’t even thank me for the favor.
Pero, si Piolo, he did thank me a lot, lalo na in public. It meant at lot to him (ang ginawa ko).
Iyon ang dahilan kung bakit ko isinulat na mas lalaki ang tingin ko kay Pio-lo kaysa kanya.
Kasi, mag-isa niyang hinarap si Ryan at hindi po ako galit.
Nagpapaliwanag lang, bago, lumaki ang gulo, okey? Okey din ba sa ‘yo Lyka? (Of course! — Lyka)
By: Pacita A. Ramos Taray
source: http://www.journal.com.ph/index.php?issue=2008-05-07&sec=3&aid=58655
Related News
No. of Views: 199 views
Tags: Piolo Pascual
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














