Marian Rivera naitsapuwera dahil kay KC Concepcion

May 7, 2008







Tama ang isinulat namin a few months back na dapat lang huwag nang hintayin ni Richard Gutierrez ang availability ni Marian Rivera dahil nakatali na ang aktres sa love-team nito with Dingdong Dantes for at least six months sa teleseryeng  Dyesebel.

Hayun at si Heart Evangelista na nga ang bago ni-yang ka-loveteam sa bago nitong teleserye na  Asero na kasalukuyang kinukunan na ang pilot episode sa Dubai.

At  sa pelikula naman, Ri-chard also have a new love-team in the person of KC Concepcion. Siya na nga ang magiging first leading man ni KC sa tatlong pelikulang pi-nirmahan nito sa Star Cinema.

Again, nagdilang-anghel kami dahil ‘yun din ang sinulat namin three months back na dapat si KC na lang ang ipareha sa kanya instead of Marian (dahil nga may Dingdong na ito).

Although at that time ay mukhang imposibleng mangyari ‘yun, nagkaroon na nga ito ng katuparan nga-yon.

Sa palagay namin ay ma-giging super blockbuster ang pelikulang pagsasamahan nina Richard at KC dahil super-bagay ang dalawa at marami nang fans ang kinikilig sa kanila ngayon pa lang.

Kaya panalung-panalo talaga ang Star Cinema lalo pa’t nalaman namin na si Joyce Bernal ang magdidirek nito.

On the part naman ng GMA-7, may tsikang ex-deal pala ang nangyari kaya napapayag na ‘maipahiram’ ng GMA-7  si Richard sa Star Ci-nema.

Kasi by Valentine’s Day next year, may niluluto namangpelikula ang GMA Films na pagsasamahan din nina Richard at KC.

So, ang ibig sabihin nito ay wala nang follow-up Va-lentine’s Day movie sina Richard at Marian next year da-hil nandiyan na ang Richard-KC loveteam.

Hindi na rin kami magtataka sakaling isalang na na-man ng Star Cinema ang favorite loveteam nila for Va-lentine’s Day next year.         Siyempre, we’re talking about the Toni Gonzaga-Sam Milby loveteam.

Pero, para maging mas exciting ang movie, napakaganda kung isasama nila sa casting si Anne Curtis.         Maeengganyo talagang panoorin ito ng mga tao.

Related News







Tag Cloud


Advertisers


 


Featured Celebrity Gallery

Mary Jean Maycon
Teresa Herrera
Cassandra Ponti
Renee Summer
Valerie Concepcion
Kristine Jaca

 


Comments

Got something to say?





Advertiser