It’s Final si Bea Alonzo ang Betty La Fea
May 8, 2008
|
|
HUMATOL na ang taumbayan. Kumpirmado na ngang si Bea Alonzo ang aganap na Betty La Fea sa Pinoy version nito.
Ang Betty La Fea (Ugly Betty) ayisang popular na telenobela na nagmula sa Columbia. Nilikha ito ni Mr. Fernando Gaitan at prinodyus ng Columbian Network na Radio Cadena Nacional (RCN).
Umikot ang istorya kay Betty, isang ‘di kaganda-hang babae na nagtatrabaho sa isang fashion design company.
Mahigit sa 12 bersyon ng Betty La Fea ang nagawa sa buong mundo at na-dub sa iba’t ibang lenggwahe.
Naging usap-usapan ng mga tao kung sinong aktres ang pipiliin upang gumanap bilang loveable na Betty.
Ngunit dahil sa perso-nalidad, husay at bukod tanging kagandahang panloob at panlabas, hindi nagdalawang isip na kunin ng ABS-CBN si Bea Alonzo para sa role.
Bongga, ‘di ba?
Tinalbugan niya ang iba pang mga pinagpilian para maging Betty La Fea like Anne Curtis, Toni Gonzaga, Ara Mina, Sarah Geronimo, Cristine Reyes at marami pang iba.
Sa presscon ng ABS-CBN para sa announcement na si Bea Alonzo ang gaganap na Betty, kitang-kita ang tuwa sa mukha ni Bea. Aniya, nagbunga raw ang kanyang mga dasal.
“I really prayed hard for this. Pero hindi naman ako masyadong nag-expect para ‘di rin ako ma-hurt,” kuwento pa niya.
Hindi pa sinabi ni Tito Deo Endrinal kung sino ang tatlong leading men ni Bea Alonzo sa programa. Surprise daw ‘yon.
Related News
No. of Views: 976 views
Tags: ABS-CBN, Anne Curtis, Ara Mina, Bea Alonzo, Sarah Geronimo, Toni Gonzaga
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?













