Jay-R, lilipat na sa ABS-CBN!
May 8, 2008
WAG na tayong ma-shock kung from SOP ay mapanood na natin sa ASAP ’08 ang R&B Prince na si Jay-R.
Ang alam namin, noon pa gustong mag-ober the bakod ng kampo ni Jay-R sa ABS-CBN, ’yun nga lang, hindi pa rin ito pinayagan ng Siyete.
Mag-e-expire na sa June ang kontrata ni Jay-R at ang dinig namin, wala nang contract renewal na magaganap.
Aba’y ngayon pa lang, parang gusto nang isumpa ng detractors itong si Jay-R. Na kesyo wala raw utang na loob.
Juice ko, pinagtrabahuhan naman ng tao ’yon. Hindi naman kumapit sa kung kani-kanino si Jay-R sa Siyete para magka-show.
May talent naman ’yung bata, mahusay kumanta at malakas ang appeal sa mga bakla (isiningit talaga ang kabadingan? Hehehe!).
Kaya dapat, walang sumbatan. Mas i-wish n’yo ng good luck ’yung tao kung sakaling lilipat siya sa ibang bahay.
What we heard, magkaka-show sa Studio 23 at baka maging MYX VJ si Jay-R, na swak na swak sa kanyang talent.
Related News
No. of Views: 257 views
Tags: ABS-CBN
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














