Jericho Rosales natulala sa ginawa ni Heart Evangelista
May 11, 2008
Sa kasagsagan ng balitang hiwalay na sina Heart Evangelista at Jericho Rosales, mukha namang tulala si Jericho nu’ng aming mapanood nitong nakaraang gabi sa isang panayam ng TV Patrol kung saan kinuha ang panig ng binata.
Halatang ‘di pa rin makapaniwala ang aktor sa kumakalat na balitang split na sila ni Heart at umano’y may third party pa na involved.
Dahil itsurang tulala ang aktor, hindi tuloy namin maintindihan kung umokey na ba si Heart sa kanya na sabihin niya on-air ang tungkol sa break-up nila. O ginulat na lang si Jericho ng balitang nakipaghiwalay na pala sa kanya ang kasintahan.
Komento rin ng ilang nakapanood, baka naman daw walang alam si Jericho sa sinasabing break-up nila ni Heart, as in sa TV na na lang nalaman ito ng binata kung kaya mukhang in shock pa rin ito.
Hmmn, puwede.
Ang sabi pa ng aktor, at this point, hindi pa rin daw niya alam ang eksaktong sasabihin.
He just wants to put a proper closure sa kung anuman ang namagitan sa kanila ni Heart para makapag-move on na silang pareho.
Sa panayam pa rin kay Jericho, nilinaw ng aktor na wala umanong third party sa pagitan nila.
Itinuturong isa sa mga dahilan ng pagkakalabuan ng magkasintahan ay si Carmen Soo.
Siya ang kapareha ngayon ni Echo sa ipapalabas niyang telsereye sa Dos. Ito naman ay mariing pinabulaanan ng aktor. Wala raw itong katotohanan.
Well, sana nga ay makapag-usap na sina Heart at Echo nang matuldukan nila nang maayos ang kanilang relasyon.
Iba pa rin kapag nakakapag-usap ang dalawang taong may pinagsamahan, pero hanggang doon na lang ang kaya nilang ibigay. Bilib nga kami kay Heart. To the end, naipaglaban niya ang kanyang pag-ibig kay Echo sa kanyang angkan.
Isang bagay na hinding-hindi niya pagsisisihan habang siya’y nabubuhay. Dahil may nagawa siya to save whatever they have.
* * *
Kay Heart pa rin.
Siya na raw talaga ang ipapareha kay Richard Gutierrez ngayong nasa Kapuso network na ang dalaga. Walang urungan na pala ito, huh.
Ayon pa sa aming nabalitaan, may mga naka-line up na proyekto na para kay Heart at ‘yung iba roon ay kasama si Richard. Hmmn, not bad. Hopefully, they will get along naman. Bukod sa parehong good looking, both are sensible at may breeding.
Pero aminin natin, mas malakas talaga ang following ng Richard-KC Concepcion. At siyempre, ito ang mukhang mas malapit sa reyalidad kung box-office appeal ang pag-uusapan.
Pero, okey rin naman ang tandem na Heart-Richard kapag nai-promote nang maayos.
At puwede rin namang si Heart ay maging pang-off-screen chorva ni Papa Richard.
Pero, si KC ang may malaking posibilidad na maging for real.
Bongga, gusto ‘yan ng fans!
Sa totoo lang, wala kaming ibang gusto para kay KC, si Richard lang.
Siya lang ang sa tingin namin ay makapapantay sa ganda at elegante ng aktres.
‘Yung iba guwapo pero hanggang doon lang. Mga wala namang dating. Si Richard, swak talaga kay KC.
Eh, may bagong inspirasyon naman daw si Heart, eh. Kapuso rin kaya siya?
Related News
No. of Views: 531 views
Tags: Heart Evangelista, Jericho Rosales, KC Concepcion, Richard Gutierrez
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?














