Jericho Rosales tanggap na ang lahat, pero gusto pang makausap si Heart Evangelista
May 12, 2008
|
|
Kung napanood lang ni Heart Evangelista si Jericho Rosales last Sunday sa The Buzz, bato na lang ang batang actress kung ’di siya na-touch sa mga sinabi ng ex-boyfriend at ang pagluha nito dahil sa kanya.
Most touching para sa amin ang parteng sinasabi niyang punung-puno ang katawan niya ni Heart. Suot niya ang singsing na bigay ng dalaga, ang dalawang necklace at pati ang polo niya ay galing din sa young actress.
Finally, inamin na rin ni Echo na si Heart ang nagsasabi ng totoo na talagang break na sila.
In denial lang daw siguro siya, pero talagang sinabi sa kanya ng young actress na gusto na nitong makipaghiwalay via text, phone call at e-mail.
Mahal daw niya si Heart kaya gusto niyang maayos pa ito at sa tatlong taon daw na relasyon nila ay ngayon lang sila naghiwalay.
Itinanggi ni Echo ang balitang may third party involved sa break-up, pero sa phone patch interview ni Heart sa Showbiz Central that Sunday din, ni-reveal ng young actress na ang Hollywood star na si Brianna Evigan, nakatambal ng aktor sa foreign film na I Love You Virus ang dahilan ng pakikipaghiwalay niya sa boyfriend.
Napaiyak si Echo nang tanungin hinggil sa pagtutol ng magulang ni Heart sa relasyon nila.
“They have wonderful dreams for Heart. I’m sorry kung nagkaroon ng kalabuan ang mga bagay dahil pumasok ako sa relasyon kay Heart, pero hindi ko po sinadya na magkaibigan kami ni Heart,” say ni Echo in between tears.
Sa ngayon, tanggap na raw niya na tapos na ang lahat sa kanila, pero gusto pa rin daw niyang makausap ang young actress.
Sa tanong kung nasaktan ba siya sa sinabi ni Heart na hindi siya iniyakan, sagot ni Echo, hindi, dahil alam niyang hindi totoo ang sinabi ng ex-gf.
“What’s that, playing manhid or something? No, it can’t (be). That’s why I want to talk to Heart,” he said.
* * *
Balitang namumroblema ngayon ang GMA Films dahil sa lumabas na hold departure order galing sa Manila Regional Trial Court kay Gabby Concepcion.
Matatandaang may pinirmahang kontrata ang aktor sa nasabing produksyon para sa pelikulang gagawin sa labas ng Pilipinas.
Pero, paano nga kung ganyang may order at hindi ito puwedeng umalis ng bansa?
Ayon sa kampo ni Gabby, walang balak lumabas ng Pilipinas nang matagal ang aktor dahil may multi-million peso worth of contract ito sa ABS-CBN.
Kung sakali mang aalis si Gabby, ito ay para mag-shoot lang ng movie at pinakamatagal na raw siguro ang dalawang buwan.
Sa ganitong sitwasyon, puwede naman daw mag-request na i-lift ang ban at puwede ring mag-place sila ng bond para sa pansamantalang pag-alis ng aktor.
Marami raw paraan kung tutuusin, kaya hindi naman daw dapat itong maging problema.
Sa kasalukuyan, si Atty. Ed Flaminiano ang umaayos ng bagay na ito.
As of press time, kagagaling lang ni Gabby sa isang successful show at autograph-signing sa SM Cebu at nagpapasalamat ang aktor sa napakainit na pagtanggap sa kanya ng mga Cebuano.
Related News
No. of Views: 1,626 views
Tags: ABS-CBN, Gabby Concepcion, GMA, Heart Evangelista, Jericho Rosales
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?













